Update Nine

5.6K 320 33
                                    

<June 8>

Jolo's POV

"Dex! Mali ang pwesto mo!" sigaw ng aming instructor.

Tumingin ako panandali kay Dex pero agad ding tumingin sa unahan kasi baka magkamali ako.

"Mali ang formation niyo!" galit na sigaw niya na dahilan ng pagtigil namin saglit at pumunta agad sa unang formation.

"Ready!!!" sigaw niya na naman habang hinihintay namin ang unang verse na magsimula.

For the nth time!!!
Uulit na naman kami!
Anong oras kaya kami makakauwi sa dorm ngayon?!

"Attention! Attention!" sigaw ng instructor. "Isipin niyo ngayon na yung comeback niyo! Isipin niyo ito na yung mismong araw ng performance niyo!"

Nag focus ako sa pagsasayaw hanggang sa umabot na rin sa bridge ng kanta.

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra ang pag-ibig ko sa'yo!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra na ang nararamdaman ko sa'yo!

♪ ♫ [JOLO] O Hin~di~ Hindi ko na mapigilan
♪ ♫ [JOLO] Ang aking isip sa kakaisip!
♪ ♫ [DEX] (Kaka-isip, kaka-isip!)

♪ ♫ [LANCE] Sobra sobra!
♪ ♫ [HAROLD] Sobra sobra!
♪ ♫ [DEX] Sobra-sobra
♪ ♫ [JOLO] Ang pagmamahal ko-- Sa'yo!

♪ ♫ [DEX] We are- C-C! Connection!

♪ ♫ [LANCE] Bakit ako nahihiya sa tuwing dumadaan ka?
♪ ♫ [HAROLD] Bakit ako kinakabahan sa tuwing lalapit ka?

♪ ♫ [LANCE] Bakit ako namumula tuwing kinakausap ka?
♪ ♫ [HAROLD] Bakit ako nangangatal tuwing tinititigan ka?
♪ ♫ [JOLO] O, bakit ako napapangiti sa tuwing naaalala ka?

♪ ♫ [DEX] (Iisa lang ang dahilan~)

♪ ♫ [LANCE] Ang tindi mo rin pala, ano?
♪ ♫ HAROLD] At ang lakas ng tama ko sa'yo

♪ ♫ [DEX] Ang tindi mo rin pala, ano?
♪ ♫ [JOLO] At ako'y~
♪ ♫ [JOLO] Talagang~
♪ ♫ [JOLO] Nahulog na sa'yo~!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra ang pag-ibig ko sa'yo!

♪ ♫ [ALL] Sobra sobra! Sobra sobra!
♪ ♫ [ALL] Sobra-sobra na ang nararamdaman ko sa'yo!

♪ ♫ [JOLO] O Hin~di~ Hindi ko na mapigilan
♪ ♫ [JOLO] Ang aking isip sa kakaisip!
♪ ♫ [DEX] (Kaka-isip, kaka-isip!)

♪ ♫ [LANCE] Sobra sobra!
♪ ♫ [HAROLD] Sobra sobra!
♪ ♫ [DEX] Sobra-sobra
♪ ♫ [JOLO] Ang pagmamahal ko-- Sa'yo!

Tumigil kami hanggang sa tumango yung instructor atsaka lumabas ng practice room.

"WOOOH!" sigaw agad ni Dex at naghalumpisay sa sahig. "PUHTAH!"

Nagpahid ako ng pawis gamit ang manipis na tshirt na suot ko. Grabe, basang basa yung shirt ko ng pawis!

"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang pawis ko!" panimula ni Harold.
"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang sakit ng katawan ko!" kanta naman ni Lance na nakatayo sa may aircon.
"♪ ♫ Sobra sobra! Sobra sobra! Sobra sobra ang hingal ko!" wala sa tonong kanta ni Dex kaya napatawa kami.

(ONHOLD) Prologue to LoveWhere stories live. Discover now