ACKB2 D

3.4K 91 1
                                    

CHAPTER D

will always be.



                

                  Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Wala akong masabi... Kasal? Ako at si Eros? Hindi ko pa nai-imagine iyon. Tsaka, ang bata pa namin. Tapos kaka one year lang kaya namin. I mean, hindi naman iyon sa sukatan ng edad o kung ilang taon na kayong magkarelasyon pero....diba masyadong... I mean, ang bilis naman yata.



"Alam ko na..ayaw mo diba?" sabi niya at doon ko lang namalayan na hindi na siya nakadagan saakin at naka upo na ito sa gilid ng kama ko.


"Eros.. Hindi mo ba naisip...parang sobrang bilis naman yata. Tsaka ang bata bata pa natin." sabi ko at umupo narin katabi niya.


"I know. Im sorry kung nagulat kita." sabi niya at ngumiti saakin ng mapilit. Alam kong nalulungkot siya pero hindi pa kasi talaga ako handa.



"Darating tayo dyan. Diba? Mag-aaral tayo ng mabuti para maganda ang magiging pamilya natin. Okay? Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin." sabi ko at hinawakan ko ang balikat niya. Napangiti naman siya at hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya at hinahalikan niya ito.


"Alam mo namang wala na akong ibang pangarap dahil nandito ka na sa harapan ko Athena... Pero sige, kung iyon ang gusto mo." sabi niya at hinalikan niya isa-isa ang mga daliri ng kamay ko.


"Promise natin iyon baby ha?" tanong niya saakin.


"Promise..." bulong ko.


"Lets seal it with a kiss then." sabi niya at bago pa ako makapagprotesta ay inangkin na niya ang labi ko. God, Eros.. Ang sweet sweet talaga ng baklang boyfie ko. Nakakapamura sa kilig! Mahal na mahal talaga kita Eros. Sheeeeeet!

------------------------------xx

"Class you may take your break now. See you on monday and expect a surprise quiz." pag anunsyo ng guro namin kaya halos kaming lahat sa klase ay nagmamadaling lumabas ng classroom.



Grabe. 20 minutes extension din yung kinuha niya sa oras kaya yung mga anaconda ko sa tyan ay nagrerebelde na. Uurrghh. Baka kanina pa naghihintay ang Eros ko. brrr. Panira talaga iyong teacher kong iyon. Porket matandang dalaga dinamay pa ang lovelife ko! Lol.



"Excuse me... Ms. Athena Rodriguez I want to discuss something to you." pagtawag ng professor namin. Wala na akong nagawa kaya lumapit nalang ako sakanya.


"Ano po iyon Professor Jules?" sabi ko sakanya. Nako! Siguraduhin nya lang talagang mabilis lang ito dahil gutom na gutom na talaga ako. :l


"Over all the girls population dito sa University..ikaw ang nakita kong may potential na maging model..may nag offer kasi saating isang big company ng clothing line na kukuha daw sila ng isang model. Malaki rin ang makikita mo dito and it can take you to places and could even give you a lot of opportunities.. Are you willing?"


"Ahhmmm..." Ako? Model? Parang ang labo naman. Tsaka, I am not interested naman sa pagmo-model at hassle lang yan sa pag-aaral ko at sa relasyon namin ni Eros.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now