CHAPTER 26

3.9K 95 3
                                    

CHAPTER 26 (prequel)

                   Napagising ako dahil sa isang napakamaingay na naririnig ko galing sa kusina. Bumangon ako kahit na ayaw ko pa at dahang-dahang binuksan ang mga mata ko.

Mapamura ako nang maalala ko kung paano ako makumbinsi ni Athena na tumira sa iisang bahay. Kaloka ang kulit ng lahi niya eh. Tumingun ako sa paligid, sa kwarto ko. Maliit lamang itong kinuha naming boarding house. Actually iisang kwarto lamang kami pero sinapilitan ko talagang hatiin itong isang kwarto sa pamamagitan ng kurtina para hindi ko maging katabi si Athena sa iisang kama. Ayoko lang ma diverginize. Baka rape-in ako eh, mahirap na.

"ATHENA! Sabado na Sabado bakit ang aga-aga mong nang-iingay! Kaloka natutulog pa ako!!!" sigaw ko pero hindi parin tumigil ang ingay sa labas.

"Sorry ahh-- ano kasi-- AYYYYY!" Bigla nalang siyang sumigaw kaya napabangon ako.

May napansin ako. Ang amoy... Suminghot ulit ako para makasiguro kung tama ba ang naamoy ko. Para kasing may sunog. At doon ko lang nagpatanto na baka nasa kusina at nagluluto si Athena! Deym! Dali-dali akong lumabas at pumunta sa Kusina.

Pagkarating ko ng kusina nakita kong nahihirapan si Athena sa niluto niya. Minamasahe ko nalang ang sintido ko. Hay. Nakakastress talaga tong babaeng to. Maaga yata akong tatanda. Magka-kawrinkles na siguro ako. Grrr.

"Athena, ano ba ang ginagawa mo?" Mahinahong sinabi ko dahil sumasakit ang ulo ko.

"Nagluluto. Kaso mukhang ayaw yata ng mantika saakin! Kaasar!" Sabi nito at nahihirapang lumapit sa niluto niya.

"Athena, bakit ka ba nagluluto eh hindi ka naman marunong?!" sabi ko na medyo naiinis na.

"Eh kasi... Gusto kitang paglutuan! Sorry!" sabi niya at yumuko. Naawa naman ako bigla. Napabuntong huninga nalang ako at hinilamos ang mukha sa palad ko. Nagmartsa ako papasok ulit sa kwarto pero di kalayuan ni Athena ay tumigil din ako.

"Sige. Hainin mo na yan. Sabay tayong kumain." Ewan ko pero iyon ang naisip kong gawin ngayon.

Minabuti ko munang maghilamos at magpalit ng damit.  Dalawang linggo na kaming magkasama sa iisang boarding house ni Athena amd I can say na wala parin kaming progress. Hoy! Hoy! Hoy! Wag malisyosa sis! Ang ibig kong sabihin hindi pa kami friends. Ayoko siyang maging sisteret. Naiinis ako sakanya! Sorry siya! Hmmp.

"Eros asan nga ba yu--- AHHHHH"

"AHHHHHHHHHHHHH!!" Napasigaw ako dahil sa sigaw niya. Nakita ko namang namumula siya pero di naman tinakpan ang mukha habang nakatingin sa....katawan ko?

Ayyy bweshit! Naka boxers lang pala ako dahil nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ng damit! Deym! Deym! Deym! Sht! Sht! Sht!

"ATHENNAAAAAAAA!!!" sinigawan ko siya dahil nakatulala lang siya habang nakatingin saakin.

"LUMABAS KA LITSEE!" sigaw ko at tinamaan ko ng unan. Buti naman at nagising ang diwa niya at tumakbo na palabas ng kwarto.

JOSKOPO! Nabosohan ako! Tsssk. Paano kaya kung nabuksan niyang wala pa akong boxers? Ayyy nakopo!!! Mas malala pa ito sa raping! Feeling ko ni-rape ako! Feeling ko hindi na virgin me! Huhuhuhuhu.

***********

Matapos kong maligo at magbihis ng school uniform ay lumabas na ako ng kwarto para kumain. Monday na naman at pasokan na naman. Pero kahit na sobrang pagod na kailangan kong mag-aral ng mabuti. Kailangan kong makagraduate at maging gazillionare.

"Athena?" pagtawag ko sa bruha. Himala kasi dahil sobrang tahimik.

"Athena???!!" punyeta walang sumagot. Iniwan ba naman ako! For sure nasa school na iyon. Tsk.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon