ANG BEKI'NG EPILOGUE

5.5K 78 20
                                    

ANG BEKI'NG EPILOGUE
#CupidReiganClemente



              "KUUUUUUUYAAAAAAAAA!!!!" What the? Anak ka ng nanay mo! Buti nalang at nahawakan ko ang dulo ng kama ko kung di mahuhulog na talaga ako.




"Kuya! Kanina pa kita ginigising pero ungol ka lang ng ungol! Like ewww! Are you even dreaming about dirty things again?!" Sabi ng nakababatang kapatid ko na babae at inilagay ang isang paa niya sa katawan ko kaya mas lalong humigpit ang kapit ko sa dulo ng kama ko para hindi mahulog.




"Isusumbong talaga kita kay mommy and daddy!! Ayy wait! Mas maganda siguro kung isusumbong kita sa crush mo! Sasabihin kong pinagpantasyahan mo siya kahit na sa pagtulog! Isususmbong kita kay Ate---"


"MARIA STEPHANIA ARES CLEMENTE!!!" sigaw ko at kasabay doon ay ang pagsipa niya ng katawan ko kaya nahulog na talaga ako ng tuluyan. Fck! Ang mga buto ko!


"Bumangon ka na! May ipapabili si mommy sayo! I hate you! Uurghhh!" Sigaw ni Ares at lumabas na ng kwarto ko. Ayaw niya kasi sa buong pangalan niya. Napakamot nalang ako ng ulo ko. Dyahe! Ang sakit na ng buong katawan ko.


Pero dahil sa wala na akong magawa ay bumangon nalang ako para maligo. Inabot lang ako ng sampung minuto sa pagliligo. I wonder...bakit ba ang tagal ng mga babae sa CR?

Kaya ayaw ko sa mga maaarteng babae eh.. Malinis nga iyong katawan nila pero kahit na ilang ligo pa ang nagawa nila mabaho parin ang ugali. Nakakaasar lang. Tae. Gwapo ko kasi eh.


Naalala ko tuloy ang first ex-girlfriend ko. Teyka..naging girlfriend ko ba talaga iyon? Ganito kasi iyon... Grade 8 palang ako noon nang may babaeng habol ng habol saakin. Tae Gwapo ko tengene. Ayaw niya akong tigilan kaya pinansin ko nalang in a friendly way kasi alam ko na ang nature ng mga babae, paghindi mo sila pinapansin...nagagalit, pero kapag pinapansin mo naman at sinusoplado....nagagalit parin. I really cant understand girls.


Okay balik sa kwento...Eh si ex-gf#1 naman masyadong naging assuming at akala niya gustong gusto ko siya at pinagkalat niyang kami na daw. Maganda naman siya kaya okay na din pero ang ugali ewan ko nalang. Napaka arte ampupu! Kahit na binabalewa ko ang ugali niya nangangamoy parin ang pagiging arte niya! Kaya ang ginawa ko, naghintay ako ng pagkakataong makipagbreak sakanya kahit na hindi naman naging kami...Dyahe! Gwapo ko kasi eh!


Kaya naman noong dumating ang isang araw na selos na selos siya ay doon na ako nakipag break sakanya. Nagamit ko pa nga iyong line na "It's not me...it's you.." pero tae! Sinampal ako kasi baliktad daw iyon, dapat daw "its not you its me.". Bakit ba?! Siya naman talaga ang may deperensya sa aming dalawa. Arte talaga nun. Tsk tsk.


Nang matapos akong magsuot ng simpleng puting v-neck shirt at khaki shorts  ay tumingin muna ako sa salamin. Grabe gwapo talaga! No wonder marami talaga ang nagkakarandarapa saakin. Tsk tsk. Nag pa gwapo nalang din ako kasi alam niyo na...pucha! Ang bakla!



"Mommy? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko kay mommy nang nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang hinihimas ang tiyan niyang lumalaki na ng konti.


"Cupid! Naglilihi na naman ako... Huhuhu.. Bilhan mo ako ng dried mango! Pleaseeee!" Sabi ni mommy at nagpapacute saakin.  tsk. Nasaan ba si Daddy at ako na naman ang pinagt-tripan ni mommy?


"Mommy naman! Sabi ko naman sainyong mag stock nalang kayo dito sa bahay ng dried mango!" sabi ko at napasimangot. Nakakapagod na. Besides sa pagiging gwapo nakakapagod na din ito. Lol.


Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon