ACKB2 H

2.8K 66 1
                                    

CHAPTER H

talikuran.



                       Kinakabahan ako dahil baka buntis ako.. Pero tinanong ko si Eros sabi niya naman na safe daw iyong ginawa niya. Naniwala nalang ako sakanya dahil siya naman iyong magiging future doctor saaming dalawa kaya mas may alam pa siya sa mga bagay na ganoon keysa saakin.




"Kainin niyo ito.. Masarap itong niluto ko.." sabi ng mama ni Eros at inilapag niya ang pagkaing niluto niya. Nakikita ko rin naman na may kaya talaga ang mama ni Eros. Mga damit palang na suot niya, sumisigaw ito ng imported at branded na mga pangalan.


"Thanks ma.. Hmmm mukhang masarap nga." napangiti nalang ako dahil alam kong sobrang saya ni Eros ngayon. Nararamdaman ko talaga na mahal nilang magina ang isat isa.


"Ahmm... Pwede magtanong sa inyong dalawa? Diba may relasyon kayo? Tapos nakatira kayo sa iisang bahay....hindi ba kayo mag live in partners?" tanong ng mama ni Eros kaya nang init bigla ang mukha ko. Biglang nagflashback ang nangyari saamin ni Eros. Kung iisipin pang live in partners na nga iyong nagawa namin.


"Mama naman... Noon paman magkahati na kami ni Athena dito. Tsaka hindi naman kami sa iisang kama natutulog." Sabi ni Eros at lumingon ito saakin at binigyan ako ng isang nakakasilaw na ngiti.


"Wala naman po kaming ginagawang masama..." except lang nung gabing iyon... Napakagat ako ng ibabang labi ko nang matandaan ko na naman ang nagawa namin ni Eros. Matapos mangyari yun pinipigilan na talaga namin ang mga sarili naming gawin ulit yun.


"Basta mag-ingat kayong dalawa ha. Wag kayong maging katulad ko. Wag kayong padalos dalos dahil bata pa naman kayo ay marami pa kayong makakayang gawin." sabi ng mama ni Eros.


"mama talaga.." sabi ni Eros at pinagpatuloy lang ang pagkain. Ewan ko pero kinakabahan ako kung magla-landing ang mga mata ng mama ni Eros sa gawi ko. Kinakabahan ako. Feeling ko alam niya na may nangyari saamin. O baka naman ilusyon ko lang ito. Natatakot talaga ako.


           ...<^^*^^*^^*^^*^^*^^*>...


"Athena!" pagtawag ni Eros saakin at nakita ko'ng kinawayan niya ako na nagsasabing lumapit daw ako sakanya.


Lunch break na ngayon at punong puno na naman ang Cafeteria kaya medyo nahihirapan akong hanapin si Eros. Ang init init talaga kaya feeling ko nasusuka ako. Buti nalang at nang makalapit ako kay Eros ay binigyan niya kaagad ako ng tubig.


"Pawis na pawis ka yata ngayon. Naiinitan kaba? Halika at umupo ka na.." pina upo ako ni Eros sa tabi niya at pinahiran niya ang mga pawis ko. Pinaypayan rin niya ako gamit ang isang notebook niya. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa ganitong kaalaga na lalaki? Siguro pati ang mga taong bato ay manglalambot sakanya.




"Thank you Eros.." sabi ko at ningitian ko siya. Sheeet! Mahal na mahal ko na talaga siya. Sabra. Siya na talaga. Wala na talagang iba. Hindi talaga ako nagkakamali sa pagpili sakanya.




"Anything for you, baby.." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Buti nalang talaga at walang nakakita saamin. Ewan ko pero nahihiya parin ako hanggang ngayon.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now