CHAPTER 27

3.8K 88 5
                                    

CHAPTER 27 (prequel)

                  Napagising ako dahil bigla akong nahirapan sa paghinga. I tried to catch my breath habang nakapikit pa pero nahihirapan parin talaga ako. Kalokaaaa! Mamatay na ako? Paano na ang mga lahi ng beki mababawasan? Paano na si fafa Derick ko? Chos!

Kinapa ko ang bewang ko at naramdaman kong may nakapulot na something sa bewang ko. May naramdaman din akong parang mainit na hininga sa mukha ko. OMG!

Dont tell me...NARAPE AKO? Di na ako virgin? Tapos si fafa Derick tong nang-rape saakin? Omg! He knew I liked him and he took advantage on me!! Which I am willing to do. HARHARLANDI.

Siguro nananaginip na naman ako. So why not namnam the moment diba? I smirk kahit nakapikit and hugged the person beside me-- na for sure ni fafa Derick dahil nananaginip na naman ako. JOSKOLORD! This is a dream come true! Hahhahahahhaha.

"A-aaraaay! Hindi ako makahinga!" narinig kong may nagreklamo. Waiit. Bakit naging babae ang boses ni fafa Derick?

Siya ang naging babae sa panaginip ko? Dapat ako yung babae!! Bat nabaliktad? Amfufu.

"Araaay! Eros!" sigaw niya ulit. Kinapa kapa ko siya ni hindi ko alam kung saan na napunta ang kamay ko..hanggang sa.. Wow! Lambot naman nito. Sarap pisilin.

"WAAAAHHH! Walangya ka Eros! Bastos! Pinisil mo pa talaga ang boobs ko!" narinig kong may sumagaw at napabagon ako bigla nang naramdaman kong may sumampal sa pisngi ko.

"What the?!" napamura ako lalo nang makita ko si Athena sa tabi ko..  Fully naked and then I realized na ako din pala nakahubad..... JOKE! Echos niyo! Yan ang nakukuha sa pagbabasa ng mga Rated SPG ni Otor! Dinamay pa ang drop dead sexy vaaadeeh (body)  ni aketch (ko).

" Bastos mo talaga! Bakla ka ba talaga? O nagpapanggap ka lang na bakla para maka tsansing saakin?!" sigaw ni Athena. Napatakip naman ako sa may dibdib ko.

"You wish! Wag kang feeling ateh ha! Hmp! Ikaw nga diyang kung makayakap saakin wagas! Kaibigan ba talaga kita o nagpapanggap ka lang para rape-in ako?" Sabi ko at nakita kong namula ang mukha niya. As in sobrang pula! Parang tomato!

"WHATEVER!" Sigaw niya at tumakbo na papunta sa banyo at narinig kong ni-lock niya eto. Heh! Kung maka-lock akala mo bobosohan ko. Feeler talaga nung babaeng yun. Pero uyy! Sisteret na kami!

Third year high school na kami and patapos na rin ang klase. Magkakaroon daw kami ng party party! After all the hardwork at last magsu-summer narin! Yeheeey!

"Hoy Eros! Wag masyadong uminom ha! Hindi pa tayo sanay sa mga ganyan kaya for sure na madali tayong malasing." sabi ni Athena nang makarating kami sa venue at nakita naming may mga liquors na dinala ang iba naming kaklase.

"Opo misis!" sabi ko at nakita kong namumula na naman ang pisngi niya. Sometimes, I wonder kung bakit namumula ang pisngi niya. Pero siguro pinagmukha lang niya na siya na ang mestiza sa aming dalawa. Oo na tanggap ko na!

"Misis ka dyan! Sapakin kita diyan eh!" sabi niya habang tinatakpan ang mapupulang pisngi niya.

"Uy! Uy! Si Derick kakanta! Waaaahhhh!!!" narinig naming may sumigaw kaya mabilis pa ako sa alas kwartrong pumunta sa may stage para tingnan ang fafa ko.

"Hi guys! Wooo! Sa wakas at tapos na rin ang pasokan!!" sigaw ni fafa Derick habang hawak ang microphone. Sheeeetttt! Ang cute niyang ngumiti! Hurhur.

"masaya ako pero malungkot din. Dahil may isang babae akong mami-miss..." Malungkot na sabi niya kay napa-awwww ang crowd.

"Dont worry Derick! You can come to mu house anytime!" sabi nung babaeng haliparot at nagwink naman si fafa Derick sakanya. Talandeee!

"Anyway.. Kakanta ako para sa babaeng mami-miss ko.. Athena..this song is for yah!" sabi ni fafa at nagsimula nang mag strum ng guitar.

Athena? Kakanta siya para kay Athena. Hinanap ng mga mata ko si Athena pero hindi ko siya makita. Fck! Naiwan ko pala siya kanina. Asan na ba yung bavaeng iyon?

"OMG! The campus prince and princess! Ang sweet! Kainggit!" narinig kong tili nang isang babae na katabi ko na may hawak na beer.

Inilibot ko ang aking mga mata at doon ko nalang nakita si Athena....nasa stage siya kasama si Derick at nakita nang dalawang mata ko kung paano lumihod si Derick para ibigay lang ang bulaklak.

Hindi ko alam pero parang ayaw kong makita ang susunod na mangyari. Inagaw ko ang beer ng babaeng katabi ko at nagwalk-out habang iniinom ang beer. Pumunta nalang din ako sa mga lalaking kaklase ko at nakisabay sa pag-iinoman nila.

"Woah! Isang shot paaa! *hiks* Sheeet! Ang sarap dude! Parang juice lang!" sigaw ko at winagayway ang basong hawak ko.

"Goo Eroosss!" sigawan ng mga babaeng nakikisawsaw sa inuman namin. Akala nila hindi ko napapansin nh malagkit na tingin nila saakin ha. Ewww lang. Di bagay!

"EROOOS! Tama na yan!" narinig kong may sumigaw at alam ko na kaagad kung sino iyon.

"Athena! *hiks* You're alive!! Woah!" hindi ko alam pero hindi ko maco-control ang sarili ko sa pagdaldal.

"Eros lasing kana! Uwi na tayo please." sabi niya tawa lang ako ng tawa.

"Oh come *hiks* on! Wag kang KJ! Lika papakilala kita sa new found friends ko." sabi ko sakanya at inakbayan niya. Na oit of balance naman ako bigla pero mabuti nalang at nakaakbay ako kay Athena.

"EROS! UWI. NA. TAYO!" Sigaw niya kaya napasimangot ako.

"Wag kang sumimangot! Susuntukan talga kita! Uwi na tayo please. " Sabi ni Athena kaya napa irap ako s kawalan.

"Fine. Pero... buhatin mo ako! Hehehhe *hiks*"

"Uurrghhh. Ang bigat mo." pagreklamo ni Athena pero tinawanan ko kang siya.

Mayat- maya lang naramdaman ko nang nakahiga na ako sa isang malambot na kama. For sure kama to ni Athena. Bangong Athena kasi eh. Hihihi.

"Ang bigat mo! Ughhh" narinig kong may nagreklamo pero ngumiti lang ako habang nakapikit ang mata ko.

Naramdaman kong may dumapi na mabasang tela sa buong katawan ko at doon ako napangiti. Ang sarap pala ng feeling nang may nag-aalaga sayo. Ni minsan hindi ko man lang naranasan ito galing sa mama at papa ko. And I'm happy na may isang tao na inaalagaan ako.

Nang naramdaman kong tumigil siya at parang tatayo na para umalis. Nataranta ako bigla. Kaya hinawakan mo ang kamay niya at naramdaman ko nalang bigla na may bumagsak na katawan ko at naramdaman ko rin ang mainit na hininga niya sa may mukha ko.

SHEEET. IS THIS FAFA DERICK?! is he here to say sorry at sabihing para saakin naman talaga iyong kanta niya kanina?

"huhuhuhu Papa Derick ILABYO! Huhuhu." sabi ko. Naramdaman ko namang napabuntong hininga ang taong nasa ibabaw ko.

"Eros.. Ako nalang... Haaay! Bakit ba kasi beki ka?! Naman oh! Ako nalang Eros. I....I like you.." narinig kong sabi ng boses babae. And I know its Athena. Lasing nga ako pero nakakapagisip parin naman.

There's something in her voice na parang nakukuha niya ang buong loob ko. Parang... Naawa ako o ano ba. Ewan ko. I cant seen to understand.

I cant seem to control my body at kahit na nakapikit ako ay nagawa ko pa siyang halikan. A sweet and gentle kiss for a sweet girl like Athena. At nung bumitaw ako sa halik, I tried to open my eyes but failed.

"I like you too.." I murmured.

But its wrong Athena. Mali ang nararamdaman mo. Babae ka at babae din ako. I'm against homosexual. Its a sin! Hihihihi. And with that nakatulog na ako.

______________________xx

NOTE: kagabi pa sana to na post pero hindi maganda ang pakiramdam ko! Nakaimon kasi!

Kagaya ni Eros mga tatlo o apat na mug ang naubos ko na cocktail drink na akala ko juice lang! masarap kasi eh!

iyon pala may vodka at emperador iyon! kaya pala nahilo at nasusuka ako kagabi! urghh.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon