ACKB S

3.5K 71 4
                                    


CHAPTER S

emergency

   "Isang round pa baby! Sige na!"


"Eros! Pagod na pagod na ako! Please tama na! Bukas nalang ulit. Ayoko na talaga.."


"Sige na baby! Last round nalang! Please.."


"Kanina ka pa last ng last eh! Ayoko na talaga! Bahala ka matutulog na talaga ako! Pagod na pagod na ako!"

"Sige na baby! Last na talaga to. Promise talaga. Last na talaga tapos bukas nalang ulit. Please...baby..." paglalambing niya kaya napairap ako.

Bumalik ako sa pagkaupo ko at padabog na kinuha ang joystick.  Kala niyo naman anong ginagawa namin no? Naglalaro lang kami ngayon ng PS3.


'Wow! kung maka lang..parang may gusto yatang may ibang mangyari!' sabi ng utak ko kaya napangiwi ako. Hindi kaya! Tsss.

"Damn baby! Ba't ang galing mo maglaro neto?!" sigaw ni Eros at seryoso itong nakatingin sa nilalaro namin. Magkalaban kami sa larong Call of Duty at from the first game palang namin ay natatalo ko na siya. Kaya nga gusto niyang maglaro kami ulit dahil hindi siya makapaniwala na natatalo ko siya. Sino ba naman ang hindi magiging master nito kung parati kong kalaro ang napakagaling ko ring an--.. Aww. Nvrmnd.


"No no no no!! Baby! Ang daya mo! Paano mo ba nagawa iyon?" sigaw niya nang natamaan ko ulit siya. Hindi niya kase namalayan na nakatago na pala ako sa likuran niya. Napatawa nalang ako sa inasal niya. Parang bata.

"Baby..." pagtawag niya saakin sa gitna ng paglalaro ko. Seryoso nadin ako ngayon dahil pagod na pagod na ako and I just want to end this game na.  "Baby...." pagtawag niya ulit kaya napalingon ako sakanya.

Nakatingin lang siya saakin at dahan-dahang napangiti kaya nadala ako sa ngiti niya. Hinalikan niya ako sa pisngi ko at inilapit niya sa taenga ko ang labi niya. Nararamdaman ko ang hininga niya kaya nagsipagtayo ang mga balahibo ko.

"I love you baby.." bulong niya at naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.   "But I really want to win this game.." sabi niya kaya napatingin ako sa 70 inches flat screen TV niya at pinaulanan na niya ang karakter ko ng bala.

"Uurghhh. Ang daya daya mo!" sabi ko at tinulak siya palayo. Tumatawa lang siya at tumatalon talon ng natapos ang laro na siya yung nanalo. Tsk. Isip bata talaga. Napakadaya. Tiningnan ko ang oras at nagulat ako dahil 2am na pala. May photoshoot at guesting pa pala ako bukas kaya tumayo na ako at pumasok sa kwarto ni Eros.

"Pagod na ang baby ko?" Sumunod pala si Eros saakin at heto na ngayong nakapulot na ang braso niya sa bewang ko habang bumubulong sa taenga ko.

"Hmmm.." pagsagot ko ni hindi man lang binuksan ang mga mata ko. Pagod na pagod na talaga ako. Ilang rounds rin yung nagawa namin....sa laro at you kow...sa sexy time.

"Okay.. Goodnight baby. i love you baby..." bulong niya at naramdaman ko na hinalikan niya ako sa ulo at forehead ko. It may sound weird but I think nakatulog ako nang may ngiti sa labi ko.

*************************

         

      Nag inat numa ako bago bumangon. Kahit na bagong gising ko pa lang nakangiti na kaagad ako. Tumingin ako sa paligid at wala si Eros kaya naman tinakpan ko ang mukha ko at tumili. Grabe. Ang ganda ganda ko talaga! Mwahahahah! Tapos iyong nangyari kagabi meegoosh! Ngayon lang ulit nangyari saakin ito na bagong gising palang eh napakasaya ko na.. Tapos ngayong umaga---- Wait a minute.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now