ACKB2 C

3.3K 93 2
                                    

CHAPTER C

Rude.

              Matapos kong magwalk-out hindi ko na alam kung saan ako paliko-liko hanggang sa makarating ako sa high-way at nasagasaan bigla ako.

Namatay ako. The End.

*============*

WHAT THE?! Ito na naman ang ending?! Bakit ba parang parati nalang tragic at namamatay ang bida ng mga kwentong nababasa ko dito sa wattpad? Ito na ba ang sign na papatayin na din ako ni Author? Wag naman. Hindi pa kami peace ni Eros.

Sino ba namang hindi maba-bad trip na makikita mo nalang ang boyfriend mong nakikipaglandian sa ibang babae? And worst, sa mismong anniversary niyo pa! AT NI WALA AKONG MATANDAAN NA LUMALANDI SIYA SA IBANG BABAE NOON! NGAYON PALANG!!

Ewan ko pero natatakot ako. What if I'm not enough? Im not worth it? Na baka nagsawa na siya saakin? O kaya nagkulang pa ako? Hindi naman ako natatakot noon pero ewan ko ngayon. This is the first time kasi na nakita kong ngumingiti at masaya si Eros kasama ang ibang babae. Uurrgh.

Tapos hindi ko pa makakalimutan ang nangyari kanina.

Ewan ko pero I felt like a loser. Parang ang layo na ng Eros ko. Out of reach. Out of coverage.

Habang nagwa-walk out ako alam kong sinusundan ako ni Eros. Its very obvious dahil sinisigaw na niya ang pangalan ko pati endearment namin. And it made me smirk. That's it baby, beg for me. Kung nagi-guilty ka at mahal mo talaga ako susundan mo ako. Just one sorry and everything's gonna be alright.

"Athena!! Baby..." narinig kong sigaw niya ulit pero hindi ko parin siya pinansin.

"Eros!" narinig kong tinawag si Eros ng isang boses ng babae kaya napahinto ako at nagsisi ako kung bakit nilingon ko sila.

Pinipigilan ko talaga ang luha ko sa pagpatak nang makita kong nakatalikod na si Eros saakin at nagkatinginan sila ni Megan.

"Eros... Uhhmmm.. Pinapatawag tayo ni Prof." sabi ni Megan.

Napalingon si Eros saakin kaya napaiwas ako ng tingin. I know nagda-dalawang isip na siyang sundan pa ako at naguguluhan siya kung ano ang uunahin kaya para hindi na siya mahihirapan pa ay tumalikod na ako at nagmartsa na palayo.

At hindi nga ako nagkamali.....he never chased me. Kahit na marami nang nakatingin saakin hindi ko nalang sila pinansin at hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak at nagbaba sakaling mawala na itong kirot sa puso ko. KAASAR TALAGA ITO! Book two na book two ng kwento ko, drama na kaagad! Urghh.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now