CHAPTER 22

3.8K 118 4
                                    

CHAPTER 22


Napalunok ako nang ilang beses at nagdadalawang isip kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paggamot ng mga pasa ni Eros. Ayos naman ako kanina eh....pero bakit nahihirapan ako ngayon? Eh sa gilid lang naman ng labi niya yung sugat niya!!!

Devil Athena: Yan ang nakukuha mo! Puro kamanyakan kasi ang iniisip! hala sigeee! Halikan mo naaaa! Sabi naman nila na madali dawng mawala ang sakit ng isang pasa pag hinalikan! Halikan mo na at rape-in!

H-hahalikan ko si Eros? Shet. Napalunok ulit ako at nakatingin lamang ako sa mapupulang labi niya. Dyos ko. Mukhang ang dumi na ata ng mga naiisip ko ngayon. Help me. Tamang desisyon ba ang pag alok na gamutin ang sugat niya?

Angel Athena: Tama ang ginagawa mo Athena. Ipagpatuloy mo ang paggamot pero wag na wag kang gagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa huli. Kung hahalikan mo si Eros baka magalit yan sayo at lalayuan ka na niya. Think Athena.

Tama. Tama. Woooo. You can do this Athena. Tumingin ka nalang sa ilong niya wag nalang sa lips niya. Focus.Focus. Iwasan ang mga tukso at nakakaakit.

Devil Athena: Haaleeerr! you zero brain angel! si Eros na kaya yan! bakit pagsisihan ni Athena?! aba magiging memorable kaya yan para sakanya! Mas pagsisihan mo pa pag pinalampas mo ang pagkakataon mong ito!! GO ATHENAAAA! ILABAS MO ANG MALANDING BUDHI MO!

"Hmmmmmmm...." Malanding ungol ko. Nakita ko na nagulat si Eros sa ginawa ko. Pati ako ay nagulat kaya nabitawan ko ang cotton at napatakip sa bibig ko. Oh my gee. Ang landi ko.

"A-ahhh... Ako nalang siguro ang gagamot nito?" Patanong ni Eros saakin. Feeling ko ang pula pula ko na. Nahihiya ako kaya tumango nalang ako sakanya. Pinulot niya naman ang cotton at nagsimula nang gamutin ang sugat niya.

"Bata palang ako ayaw na ni papa saakin." Nagsalita ulit siya kaya napatingin ako sakanya. Nakatingin lamang siya sa ilog habang ginagamot parin ang sugat niya.

"Isa lamang akong aksedente. Fourth year highschool palang sina mama at papa kaya wala talaga sa plano nila na dumating ako sa buhay nila. At dahil nga dumating ako sa buhay nila....nagsimula nang naging malas ang mga pangyayari." Nagulat ako sa kwento niya pero wala akong masabi at nakinig nalang ako sakanya.

"Nagtanan sila at syempre nalulung sa utang. Nang ipinanganak ako ayaw na talaga ni papa saakin. 5 years old palang ako noon sabi ni Tito Mark na nabugbog daw ako ng papa ko. Buti nalang at kinuha ako ni Tito Mark at kinupkop. Sa araw din na iyon nabalitaan nalang namin na pinatay ni papa iyong lalaking inutangan nila ni mama kaya siya nakulong."

"Im sorry Eros...." Sabi ko at napayuko. Para akong nasaktan nang makita kong tumulo yung luha niya. Ang kulit at daldal ko kasi eh. Ayan tuloy napaiyak ko siya!

"No. hindi mo kasalanan. Pero alam mo ba...simula nung araw na iyon bigla nalang nawala si mama. Sabi nila baka daw may iba na siyang pamilya. Okay lang naman na may iba na siyang pamilya pero hindi din ba niya ako naisip? Na kung okay lang ba ako? Hindi man lang ba niya ako nami-miss? Kasi ako miss na miss ko na siya. Sobra." Sabi niya at umiiyak na talaga.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya at napaiyak na din. Sinandal niya rin naman ang ulo niya sa balikat ko at umiyak lang ng umiyak. Di bale nang mabasa ang suot ko. Naramdaman ko namang niyakap niya ako nang mahigpit at nanginginig siya dahil kaka iyak.

"Ang sakit sakit Athena.... Kaya ayaw ko na may nang-iiwan saakin. Kasi bumabalik yung sakit eh."Sabi niya at humihikbi. Ngayon lang ako nakakita nang lalaking umiiyak. Hindi ako na turn off pero mas na tu-turn on ako. Kasi naramdaman ko na mahal na mahal niya ang mama niya. Ibig sabihin wagas siyang magmahal kaya maswerte ang babaeng mamahalin niya. At sana naman.... haaaay.

"Eros... Nandito lang naman kami para sayo... Nandito lang naman....ako." Sabi ko at nilagay ko ang isang kamay ko sa buhok niya.

"Iyon na nga eh. Maaring nandito ka ngayon pero paano kung bukas o bukas makalawa iiwanan mo nalang bigla ako?" Sabi niya at inangat ang ulo niya para tingnan ako sa mga mata ko.

"Hindi naman kita iiwanan! Gago ka talaga!" Sabi ko sakanya at pinunasan na ang mga luha ko. Nakita ko rin naman pinunasan na niya rin iyong luha niya.

"Bakit ngiti-ngiti ka diyan?!" Nakita ko kasing nakangiti siya habang tumingin sa kawalan. Baliw lang. Umiiyak tapos ngingiti?

"Wala ka na doon." Sabi niya at tumayo at nag inat. OMG yung katawan niya. Shet lungs!

"Halika maligo tayo ng ilog!" Sabi niya at hinila niya akong patayo. Eh malakas siya kaya napatayo ako.

"huh? Ayoko! Naka pants ako tapos maliligo?" Sabi ko. Kararating ko lang kaya dito tapos ligo agad?

"Tayo lang naman ang nandito eh. Lika na! 1...2..."

"I SWEAR EROS PAG--"

"3....JUUUUMP!" Sigaw niya at bago pa ako makaprotesta ay naramdaman ko na ang lamig ng tubig. Kinulong niya kasi ako sa bisig niya kaya sabay kaming bumagsak sa tubig.

"HOOO MAAAY GAAAD!!" Sigaw ko nang maka ahon ako. I swear nahihirapan talaga akong huminga. Buti nalang at hindi gaanong malalim ng tubig. Hindi pa naman ako professional swimmer.

"Athena." Tawag saakin ni Eros. Lumingon ako sakanya at nagulat ako kasi naglanding ang labi niya sa labi ko. I didn't think twice.I accepted the kiss and close my eyes.

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now