CHAPTER 14

3.9K 76 3
                                    

A/N: first time kong gumawa na may konting spg. Hahahha. Bastos niyo! Yuck! Ewww! Hahah. pero konti lang talaga PRAMIS!

RATED SPG:  konting SEXUAL AT LINGWAHE

************

CHAPTER 14

ATHENA RODRIGUEZ'S POV

"OHH EMM GEE! Sorry sa paghihintay mga sisters! Na traffic kasi aketch. Alams na churvaness sa mga daan." Pagpaliwanag saamin ni Ate Shar nang makarating siya dito sa resort.

Nandito pa kasi kami sa lobby dahil hindi pa namin alam yung room namin, si Ate Shar lang kasi ang may alam. Tsaka, speaking of room... Sama ba kami ni errr. Eros? Well, sanay naman siguro ako? Ayyyy. Bakit ako kinabahan bigla, myghad baka marape ko siya! Chos. Ako talaga gagahasa sakanya? Di ba pweding hahalayin niya ako? Hihi. Ambisyosa ko naman. Lol.

"Ahh.. Ate, asan nga pala si Stephen?" tanong ko para mabura yung malanding naisip ko. Napansin ko rin naman na parang mag-isa lang si Ate Shar.

"Nakkooo. Bukas pa yun makakapunta dito. Inutusan ko kasi na dapat niyang sunduin sa airport ang love of mylife ko or bebe boy. Bukas pa kasi dadating si mylabs galing States kaya bukas pa sila dadating." Napa tango nalang ako sa sagot ni Ate Shar.

"Hooomaaayyygahhdd! BEKI?! Ikaw ba yan?!" biglang sigaw ni Ae Shar nang makita niya si Eros. "Ay puta! Ang dali naman ng progress!" Dagdag pa ni Ate Shar.

Hindi ko talaga alam kung ano yung ibig niyang sabihin basta ang alam ko lang blanko lang ang mukha ni Eros habang nakatingin kay Ate Shar na parang hihiga sa kakatawa habang tinuro-turo ni Eros. Napailing nalang ako. Ate Shar talaga.

"Aheeeem." biglang may nageheem paglingon ko uy! Si poging blue eyed! Nagpacute naman ang lola niyo. Yun nga lang mas mabilis pa sa kwatro kung makalapit si Eros saakin. Mas lalo tuloy akong lumandi. Hihi.

"Edwaaaaaarrrddd! It's been a long time!" sabi ni Ate Shar at niyakap yung poging blue eyed. Edward pala pangalan. Hihi. Idol ko pa naman si Edward ng twilight.

"Yeah. Long time no see." ani ni Edward.

"guys, this is Edward, my boyfriend's cousin. He also handle this resort together with my bebe boy!" masiglang utas ni Ate Shar. "Oo mga lokaloka! Half british ang boypren ko! Mainggit kayo! Wahaha!" pagmalaki ni Ate. Hahaha.

"Oh.. I saw them earlier today.. They're together right?" tanong ni Edward kay Ate Shar. Ayy syeet! Oo nga pala! Akala niya magsyota kami ni Eros.

"Huh? Together?" Nakita ko namang na shock ni Ate sa sinabi ni Edward.   "Ahh. Yes. They came here together." sabi niya matapos ang ilang sigundo nang pagiisip. Napa face palm nalang ako. This is not good.

"No. What I mean is that they're together. As in together.. Couple." Pagpapaliwanag ni Edward kay ate Shar. Ay! Feeling ko namula na ako. Chos. Parang true? Tiningnan ko si Eros kalma lang siya habang nakikinig sakanila.

"Ahhhhh... I see." sabi ni Ate Shar habang tumango tango at nung mukhang nahuli niya ang mata ni Eros ay ngumiti ito ng nakakaloko habang nakataas baba yung kilay niya. Narinig ko namang napa 'tsss' si Eros. Yumuko nalang ako sa kahihiyan. 

"Okay. Since they're a couple. Why dont they just use one room? I mean tomorrow will be the opening and for sure there's going to be like loads of people coming over here." sabi ni Edward.

"Yeah. Great Idea." pagsang ayon ni Ate Shar.

Wait. Wait.

Ako? At si Eros?

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now