SWITCH #10

499 23 6
                                    


"Yung sinasabi mong libreng tickets, eh bigay pala 'yun ni Alistair! Upakan kita dyan."

"Kasalanan ko bang wala ka ng binigay 'to sa akin? 'Lika na't wag ka nang mag-inarte at umupo na tayo."

Dumating ang araw ng dual meet at puno ang gym ng manonood, na halos babae. Nandito rin ang mga studyante ng makakalaban namin. Malalakas mga 'yan, at lumalabas pa para mag-compete sa mga ibang bansa. Halata ring mga rich kids, eh kasi naman 'yung eskwelahan nila ang sikat na 'Floating Gem of Manila Bay'


Anglo-Saxon University vs. Surrexerunt Academy


"Veni! Vidi! Vici!"

Hindi ko maintindihan sinasabi nung kalaban. Mukhang latin ata sinasabi nila.

"Go! Alistair!"

"Z-A-C-H! What's that spell? ZACH!"

Itong mga babae namin, maka-todo naman maka-cheer. Hindi pa nga lumalabas ang mga players. Ang gamit pa nga nila ang malalaking cut-out faces nung dalawa.

"Mare, bukas mo lang lagi eyes mo." sabi ni Marseille. "Marami mga gwapo sa Surriserantu Academy na 'yan~ Sa audience pa nga lang meron na, pano pa sa mga players nila?"

"Ang landi mo. At Surrexerunt Academy."

"Ang hirap kaya ipronounce. Shuweseron-"

"Magsi-CR nga muna ko." Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong gumamit at pabalik na, may nakasalubong akong lalaki na parang hindi alam kung saan pupunta.

Nakita niya ko at lumapit. "Hello! Taga-rito ka?"

"Oo. Nawawala ka ba?"

Tumango siya. "Nahiwalay ako sa mga kasama ko. Saan ba volleyball court dito?"

"Pabalik na rin ako 'dun. Sabay na tayo." Habang naglalakad kami, pinagmasdan ko siya kasi napansin ko kakaiba pagsasalita nito, parang may accent. At aaminin ko, as a fellow 'guy' may itsura 'to.

"By the way, ako si Chahaya Syamsudin."

"Ah, Eva- Eloise. Eloise ako."

"Yung classmate ko galing dito. Pupunta sana siya pero nagkasakit. Baka kilala mo."

Sinasabi niya ata 'yung nanalo sa lotto.


Ano pangalan nun?


Lie-


"Si Leslie! Nakakatawa siya. Kung anu-ano nga ginagawa niya 'dun." Natawa siya.

Nakarating kami sa court at nakitang nandun na ang mga players. "Mukhang magsisimula na-!"

Bigla na lang 'to nagtanggal ng jacket at sweatpants niya. Naka-uniform siya ng black at red, ang kulay ng kalaban namin. "Thank you Eloise. Good luck na lang sa inyo!" Tumakbo na 'to papunta sa team niya at naghiyawan ang mga babae nang makita siya.

"OMG siya ba si Chahaya? Ang gwapo niya!" Mukhang mahahati sa tatlo ang mga fangirls.

Bumalik na ko sa upuan ko at sinalubong sa akin ni Mustafa "Mare, nakita kita ha! Pati ba naman taga-Sooresurent nakatuhog ka!"

"Dadalin na kita sa Kumon."

Ilang sandali lang natapos ang warm-up exercises nila at bumalik ang mga players sa bleachers.

SWITCHWhere stories live. Discover now