SWITCH #6

614 27 2
                                    


Dumating ang Biyernes at papunta kami ngayon ni Marseille sa gym ng Anglo-Saxon University. Ayaw ko nga pumunta nung una kasi medyo malakas ang ulan, pero napilitan rin ako dahil sa kasama ko.

Sinama ko 'yung isa kasi kinukulit niya ko dahil nakwento ko ang nangyari sa amin nung mokong sa CR. Kinilig ang bruha pagdating sa part na nasa cubicle kami.

Doon nga ko muntik mamatay dahil nagpasabog yung Hina Yupak na 'yun.


Dinaig pa ang atomic bomb.


"Sobrang excited na ako mare! Lagi natin pinapanood ang game nila pero hindi pa sa training."

"Bakit hindi ka pumupunta?" tanong ko.

"Alam mo naman halos puno ang volleyball court kapag nandun sila Alistair at Zach. Ang mga fangirls nila pinupuno ang mga stands, pati mga make-up bags nila pinapaupo na parang reyna."

Pumasok kami sa malaking gym at dumiretso sa room kung saan nagpa-practice ang volleyball players. Hindi pa sila nagsisimula kaya nang makita ako ni Alistair, pinuntahan niya kami.

"Kanina pa kita hinihintay angel~ Akala ko hindi ka pupunta, magtatampo ako. Balak ko nang sundan kita hanggang bahay."

"Try mo lang at ililigaw kita."

"Sa puso mo?"

Sisipain ko na nang harangan ako ni Marseille. "Ikaw talaga papa Alistair~ Nakakakilig ka to the buto-buto. Ah, eh san ba kami pwedeng umupo? Mukhang puno na, tsaka gusto sana ni Eloise sa pwesto na makikita ka niyang pinapawisan on the spot. Gusto niyang mafeel 'yung patak ng pawis mo every time na tumitira ka."

Sinamaan ko 'to ng tingin.

"May sinave na kong seats 'dun sa pinakaharap ng bleachers." sabi ni Alistair.

"OMG, as in kung saan kayo nakaupo?"

Tumango siya. "Yup. Wala si coach ngayon kaya don't worry. Follow me."

Sinundan namin 'to at umupo kami kung saan nga nakapwesto ang ibang players. Nararamdaman ko ang mga maiinit na tingin ng fangirls sa kabilang bleacher, pati na rin sa likod namin. Hinahanap ko si Zach at saktong lumabas siya kasama ang ibang RainBoys sa locker room.

Nang makita niya ko napangiti siya at sinabi "Eloise, buti nandito ka."

"Oo. Hindi pa ko nakakanood ng training niyo."

"Hindi na kita nakakausap ng nakaraang mga araw kasi busy ako. Natutuwa ako at nandito ka."


Yes! Plus two sa pogi/ganda points!


"Actually, Zach, nandito siya para sa akin."


Tupang Inets mo Alistair!


"Niyaya ko si Eloise panoorin ako ngayon." sabi ng mokong.

"Ahh~ ganun ba? Sabagay ikaw ang pinupuntahan ng girls dito. Haha!" nakangiting sabi ni Zach.

"Ikaw din kaya. Mas marami banners mo ngayon, pero ok lang." Napatingin siya sa akin. "Nandyan naman ang anghel kong galing sa langit."


Nakakabanas talaga siya! Nakakabawas siya sa pogi/ganda points ko kay Zach/Zinnia!


SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon