SWITCH #7

593 26 5
                                    


"I must have died, for I'm seeing the angel of life."

"Leche."

Nandito na ko sa Star City kasama ang kadate ko, o mga kadate ko, at BiniBS na ko nung isa.

"Pero swear, angel. Ang cute mo ngayon~" sabi ni Alistair.

Tumango si Zach. "Oo nga. Bagay sa'yo ang dress." 

"Ah, thank you..." Nandidiri nga ko sa suot ko.


Sobrang girly!


Aaminin ko, bagay sa akin, pero physically. Mentally, nahahawa na ata ako sa kabaklaan ni Mustafa!


"Pasok na tayo. Nakakuha na ko ng tickets." Pumasok nga kami at pinag-usapan kung ano uunahin namin sakyan. "So san niyo gusto?" tanong ni Zach.

"Kahit saan ako." sagot ko.

Sabi naman ni Alistair "Hmm~ Carousel tayo."

"Seryoso ka?"

"Yup. Tsaka ang romantic kaya, lalo na makakasama kita, angel."

Juice colored, sana matapos na 'tong araw na 'to.

Napansin ko si Zach napangiti nang papalapit kami sa carousel. Kasabay ng mga bata, sumakay kami at naghanap ng pwedeng maupuan. Tinuro ni Zach ang parang teacup kung saan pwede mo 'tong ikutin. Ayaw ko sana at balak ko na lang tumayo pero halatang excited siya at hindi ko naman 'to matanggihan. Pagkaupo namin nagsimula na ang ride at napalibutan kami ng masasayang tuwa ng mga bata.

"Hanggang ngayon hindi ako magsasawa dito. Ito ang pinaka-favorite kong ride pagdating sa amusement park." sabi ni Zach.


Importanteng information 'to pag nag-date na kami ni Zinnia sa real world. 


"Kitang-kita nga sa mukha mo bago pa tayo nakasakay." sabi ni Alistair. "Hmm~ medyo boring na pag matagalan."

"Pabilisin natin!" Inikot niya ang wheel sa gitna at umikot kami pabilis ng pabilis hanggang sa paningin ko rin umiikot na.

"Za-zach, tama na!" sabi ko, at tumigil nga siya. Pero paikot-ikot pa rin kami hanggang sa matapos ang ride. Pagkababa ko, muntik na kong sumalampak sa sahig.

"Ang saya! Isa pa, guys?"

"Wag na!" sabi namin sa kanya.

Nang maka-recover kami, sabi ni Alistair "Mag-snow world tayo. Matagal na kong hindi nakakapunta dun." Dumiretso nga kami dun at pumila. Nang kami na, pinagsuot kami ng mabibigat na jacket, at ang nakuha ko ay yung sobrang baho pa. Pumasok kami at naglakad sa 'winter wonderland'. Pinagmamasdan ko ang mga ice sculpture nang dumikit sa akin si Alistair.

"Angel, look oh!" Tinuro niya ang isang sculpture. "Angel siya."

"Weh? Hindi nga?" sarcastic kong pagkasabi.

Bumalik sa amin si Zach. "Bigla kayong nawala. Nilalamig ka ba, Eloise?"

"Medyo."

"Sorry, angel. Hindi ko napansin. Halika't papainitin kita gamit ng katawan ko."

"Tupang inets, Alistair. Wag kang magsimula."

Natawa si Zach. "Hindi na kailangan yun. Akin na kamay mo." Kinuha niya 'to at hinipan. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya at medyo nabawasan ang lamig.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon