SWITCH #1

1.7K 55 7
                                    

 "Mr. de Rosales!"

Biglang nagising ako para makita ang buong klase nakatingin sa akin.

"Sleeping in my class again! The nerve of you! This is the third time this month!"

Napahikab ako. "Sorry po, Ms. Yupak."

Napatawa ang iba at napansin ko si Zinnia nakangiti rin. Namula ako.

"How-" 'Di na natapos sasabihin niya dahil tumunog na ang school bell. "Hmph! I'll let this pass, but next time you do it again I'll send you to the principal's office! Goodbye, class."

Tumayo kami at sumagot "Goodbye and thank you Ms. Hina Yupak!"

Nang umalis na siya, hinintay kong lumabas si Zinnia at sinundan 'to, pero pagkalabas pa lang humarang na ang mga babae.

"Evans, pupunta ka sa party tomorrow, 'di ba?" tanong ng kaklase ko.

"Oo-

"May ka-date ka na ba?" sabat nung isa.

"Wa-"

"Oo naman! Ako kaya ka-date niyan!"

"Girls-

"Nasobrahan ka ata sa shabu, Aya!"

"Ikaw nga sumisinghot ng libag ni kuya janitor!"

Nagsimula na naman pag-aawayng  mga 'to. Pasimple na lang akong lumusot at iniwan ang mga nagsasabunutan. Buti na lang naabutan ko pa siya sa may hagdan at tinawag 'to. "Zinnia!" Napalingon siya pati rin mga kasama niya sa akin. "Pwede makausap ka sandali?"

Tumango siya. "Sure." Nagpaalam siya sa grupo niya at iniwan kaming nagtitilian. "Nakatulog ka na naman sa klase ni Ms. Hina Yupak, Evans."

"Pano ka hindi makakatulog? Eh pinagyayabang na naman niya ang fiance niyang mukhang negrong tilapia." Natawa siya, at naramdaman kong huminto ang puso ko ng sandali.

"Hay nako Mr. de Rosales. Pag tinuloy-tuloy mo pa 'yan, siguradong sa janitor's office ka papapuntahin."

"Haha, ok lang. Mas makakatulog ako ng mahimbing. Anyway, Zinnia...may kasama ka na ba para sa party tomorrow?"

"Hmm~ bakit? Yayayain mo ko noh?"

Napahawak ako sa batok ko. "...Oo naman."

"Sorry, pero nag-promise kami ng barkada ko na all girls lang kami sa party. Bringing of boys is forbidden."

"Ahh...ganun ba..."

"Ikaw naman oh!" Palaro akong tinulak. "Andami mo kayang chicks! Siguradong makakakuha ka within one minute."

"Zinnia, tara na!" tawag ng kaibigan niya.

"Oh pano, kita-kits na lang bukas." nakangiti niyang sabi at nauna na.

"Bye..." Pinanood ko tong umalis at hindi mapigilan isipin na ang ganda niya. Hindi lang 'yun, matalino, sporty, at mabait pa. Andami nga nagtatanong kung bakit siya ang nagustuhan ko kasi hindi naman siya ganun kasikat. Pero ang ngiti niya kasi, 'dun tumitibok puso ko, at sana, balang araw, sa akin niya lang ipakita 'yu-

"Kawawang pare ko. Hanggang ngayon naghahabol ka pa rin sa wala."

Napalingon ako kay Mustafa at sinamaan ng tingin. "Shut up."

Umakbay 'to sa akin. "Ayaw mo kasing tanggapin na kahit anong gawin mo, 'di ka niya magugustuhan kasi sobrang inlababo siya sa pen pal niya. Pre, ang kalaban mo foreigner, hindi isang kumag na mahahanap mo lang sa kalye."

"Parang ikaw?" Inalis ko ang kamay niya. "Alam ko 'yun, pero hindi pa naman sila. Hanggang may pag-asa pa, lalaban pa ako."

"Sus! Palitan mo na nga si April boy. Oo nga pala. May costume ka na?"

SWITCHWhere stories live. Discover now