SWITCH #14

453 22 2
                                    


So ito pala feeling na maheartbroken, masakit nga, pero gaya nga ng sinabi ko medyo gumaan pakiramdam ko ng pakawalan ko siya. Masaklap nga lang at dito pa sa reverse world nangyari. 

Ngayon nakahiga ako kama, nakatitig sa kisame. Kahapon pa ko ganito na nagkukulong sa kwarto. Iniisip kong matulog na lang nang biglang bumukas ang pinto at nakita si Mustafa.

Sira na nga araw ko, mas nasira pa.

"Mare! Wag mong sabihin na hanggang ngayon nagmumokmok ka! 'Yan na ba sinasabi ko. Kung nakinig ka lang sa akin nung una pa na tigilan mo na si Zach, de hindi ka magkakaganyan! Move on! At marami ka pang makikitang tilapia sa Pacific Ocea-Aray!"

Binatuhan ko 'to ng unan. "Oo na, oo na! Tumigil ka na at pwede bang pabayaan mo muna ako!" Nagtalukbon ako ng kumot pero hinila niya 'to.

"Eloise, akala ko ba strong girl ka? Sabi mo nga sa akin kahapon makaka-move on ka rin, eh ano ginagawa mo ngayon? Moving on ba 'yan?"

"May tama ka rin pala sa ulo, nung Biyernes lang nangyari 'yun! Malamang nagkakaganito pa ko dahil sariwa pa ang pagkaka-indirect busted ko. Tsaka 'di ba may sinasabi kayong mga babae na 3 month rule? O, balikan mo ko ng March."

"Eh nag-leap year na mare, at kailangan mo nang tuminag dyan! Aayusan pa kita. Hindi ako papayag na magkulong ka dito habang ako nagpaparteh-parteh."

"Anong party?" Ngayon ko lang napansin na nakabihis 'to. "At bakit ka nga ba nakaganyan? Para kang GRO." 

Napahilamos 'to ng mukha. "Hay nako mare, wag mong sabihin na nakalimutan mo kung ano ngayon! Katapusan na ng Nobyembre! Birthday ni Jeanette, hello!"

Shit. Nakalimutan ko nga pala 'yun. Pero nakakatamad pumunta, tsaka isa pa, makikita ko si Zinni-este Zach dun. "Nandun regalo niya sa cabinet ko. Pakibigay na lang at pakisabi hindi ako makakapunta."

"Ay hindi! Hindi pwede 'yan sa akin! Hindi ako papayag na magsayang ka na naman ng araw dahil lang sa lalaki. Pupunta tayo. At isa pa, baka magtampo sa atin si Jeanette, sige ka."

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. "Wala akong pakialam." 

"Eloise! Eloise Eloise Eloise Eloise Eloise-"

Hindi talaga ako tatantanan nitong Mustafa na 'to. 

 _______________________________________________


Medyo late na kami nang makarating kami sa bahay ni Jaden/Jeanette. Malaki ang bahay nito at nang pumasok kami siya sumalubong sa amin.

"Akala ko hindi na kayo makaka-attend." sabi niya. "Ilalabas ko na sana ang lechon." 

"Oo naman, Jeanette. Alam naman natin pag party, libre ang pagkain." sabi ni Marseille.

"Syempre, kaya nga NFA rice ang hinanda ko ngayon." Parehas silang nagtawanan.

Pano ko nga ba naging mga kaibigan 'to?

Binigay na namin ang regalo niya at binati 'to. 

"Nice~ thanks! Sa garden ang party at nandun na ang iba. Kumain lang kayo. May chocolate fountain pa, pero fishball lang nilabas ko, haha~ Kita na lang tayo 'dun."

Dumiretso nga kami sa labas at nakita ang ibang kaklase namin. Umupo kami sa isang table at nakipag-usap sandali bago pinuntahan ang buffet table.

"Damihan niyo pa. Sige pa...sige pa...konti na lang...sige pa."

"Oy, tama na nga 'yan. Para kang patay gutom." sabi ko kay Marseille.

"Eh pano ba naman itong nagbibigay. Ang liit-liit ng tipak ng manok ang binibigay sa akin." Bumalik siya sa server. "Sige pa."

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon