SWITCH #11

451 22 1
                                    

Pagkagising ko pa lang alam kong sira na 'tong araw na 'to.


Pinilit kong bumangon at nagbihis.


Pano naman kasi ako gaganahan sa- UGH, date ko?


Nanginginig ako habang iniisip na makakasama ko isang lalaki ulit sa date sa tatlong beses pa, at hindi lang 'yun, si Alistair pa!


Sana si Zach na lang para medyo ganahan ako, pero hindi!


'Yung mokong pa talaga!


Umalis na ko ng bahay at pumuntang mall. Nakarating ako sa arcade kung saan daw kami magkikita. Hinanap ko siya sa mga palaruan hanggang sa may nabangga ako. "Ay, sorry." Nakita ko na si Alistair pala 'to.

"Ok lang, angel. Sorry din, natulala kasi ako sa'yo nang makita kita kaya hindi ko namalayan."

"Pwede bang wag mo na akong tawaging angel. Ito na nga at kailangan kitang makasama."

"Pero bagay sa'yo ang angel. Pero salamat talaga at nandito ka ngayon." sabi niyang nakangiti.

"May choice ba ako? Ano bang gagawin natin dito?"

"So eager~ I like that. Hmm~ tingnan natin ang movies ngayon." Dumiretso kami sa cinema at tiningnan ang mga palabas. Sa english films may Gone Boy at 'yung prequel ng The Conjuring, Augustus. Sa tagalog naman may Diary ng Maganda at 'yung horror na Mario, Leonor, Tonio.

Biglang naalala ko na matatakutin 'to. "Dun tayo sa Augustus. Maganda daw 'yan sabi ni Marseille."

Napalunok 'to ng makita ang poster. "Si-sigurado ka? Ayaw mo cartoon kagaya nung Book of Death? O kaya something romantic like Tigang na Tigang?"

"Tupang inets, anong romantic dun? Kung ayaw mo sa Augustus de bahala ka." Pumila na ko at narinig ko 'tong tawagin ako, pero sumunod na rin siya. Pagkabili ng tickets, sabi niya "Mga isang oras pa bago magsimula 'yung movie. Anong gusto mong gawin?"

"Balik na lang tayo sa arcade."

Nang papunta kami sa arcade, may napansin akong babaeng tumitingin sa amin. Bigla niya kaming nilapitan kasama ang kaibigan niya.

"Excuse me, 'di ba ikaw si Alistair? Napanood ko laban niyo! Ang galing mo talaga~" Kilig na kilig naman 'tong babaeng 'to. Tadtad ng make-up ang mukha niya at ang kintab pa ng pagkapula ng lipstick niya.

Pa-demure ka naman. Buti pa 'yung Zinnia ko, ngiti palang maganda na.

"...lalo na nung ginawa mo yung Astro Burner move mo! Sobrang wow! Pwede pa-picture?" Ngayon niya lang ako napansin at may inabot na camera. "Pakuha."

Pinilit kong ngumiti at kinuha 'to. Pumayag naman 'tong Alistair at inakbayan ang dalawang babae.


Hindi, hindi ako selos.


Ano ako, bakla?


Kunyaring pinicturan ko sila, pero ang kinukuha ko talaga 'yung mamang sa likod na kinakamot kili-kili niya.

"Wow, thanks Alistair~ Kita naman tayo ulit. My name nga pala is Shanaynay."

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon