SWITCH #3

720 34 5
                                    


Day 3 ng pagiging babae...


Hindi ko pa rin alam kung paano magsuot ng bra.


Anong klaseng mekanismo 'to at hindi ko makuhakuha?! Muntik na kong masakal kanina dito!


Ipagdasal mo na lang Evans na bumilis ang mga araw para matapos na 'tong parusang binigay sa'yo. At sana nga totoo ang sinabi nung janitor na babalik sa normal ang mundo.


Ikaw din kasi may kasalanan nito. May nakalagay na ngang "Touch Me Not", pinagpipipindot mo pa!


"Mga Anglo-Saxon diyan!"

Bumaba na ko ng dyip at tuloy pasok ng gate. Wala namang pinagbago ang paligid ko, nadamay lang talaga ang mga tao. Ang mga nakikita kong lalaki ay babae sa "real world" at vice-versa.

Kaya ko namang mag-survive ng isang buwan, kailangan ko lang mag-adjust.

"Eloise!"

At kilalanin kung sino ang sino sa real world.

Sumabay sa akin ang isang babae at may inabot na notebook. "Thanks, ha! Nakahabol ako sa notes natin."

Ok Evans, isipin mo kung sino sa klase ang pinahiram mo ng notebook. Babae siya so lalaki 'to sa real world.

"Ah, ok lang...Makisig?"

Natawa 'to. "Kelan pa tayo nag-last name basis?"

"Eh wala lang," Pasimple kong tiningnan ID niya. "...Jeanette." Nakarating kami sa high school building at dumiretso sa classroom namin. Nag-usap kami ng sandali nang marinig namin ang tilian ng mga babae.

"Andyan na sila!"

May pumasok na apat na lalaki, pero ang napansin ko ang nasa gitna ng grupo. Nangingibabaw kasi ngiti nito, na parang pamilyar sa akin. Na feeling ko ito yung ngiti na nagpapatibok sa puso ko.

Parang ngiti lang ni...




Zinnia?!




"Zach Hidalgo! I heart you!"

"I heart you more!"

"Balik na kayo sa klase niyo. Ayaw ko kayong mapagalitan dahil sa akin." sabi nito sa mga fangirls niya.

"Ang sweet mo talaga! Nakakatunaw!"

Isa-isa rin nawala sila pero pinalilibutan pa rin siya ng kaklase namin. Ngayon ko lang napansin na walang dumudumog sa akin. Sabagay, ang weird kung may mga lalaki na bigla na lang lalapit sa akin at magsisitilian. Kahit ba alam kong babae sila sa real world, hindi ko pa rin matake ang ganung sitwasyon.

Napatingin si Zinnia/Zach sa akin at nginitian ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako, o masusuka kasi lalaki ang gumagawa nito.

Saktong dumating na ang adviser namin. "Goodmorning, class."

"Goodmorning, Ma'm Kiti-kiti." Umupo kami at hinintay 'to matapos mag-attendance. Nang magle-lecture na, 'dun lang dumating si Marseille.

"Ma'm, sorry po!"

"Late as always, Ms. Mendoza."

Umupo siya sa harap ko at lumingon sa akin. "Ok ka na ba? Nakapag-meds ka na?"

SWITCHWhere stories live. Discover now