SWITCH #4

632 32 2
                                    


"Grabe ka naman, mare! Muntik mo ng sirain flawless face niya!"

"Magpasalamat siya at hindi ko hinawakan pagmumukha niya! Makokoma siya sa akin!"

Naglalakad kami ni Marseille papunta sa HS building. Hindi pa ako nakaka-get over sa nangyari kahapon, at hanggang ngayon gusto kong hanapin ang bastardo na 'yun at sapakin sa mukha!

"Ito naman o! Dapat nga you should feel honored!" sabi ni Marseille. "Hinalikan ka ni Alistair Salazar!"

"Anong honored?! Hinalikan ako ng lalaki!"

"Eh mare, hindi ka ba babae?"

"Hindi nga!"


Biro mo, nawala first kiss ko hindi sa babae, kung 'di sa lalaki.


LALAKI!


O sige, sabihin na natin nasa katawan ako ng babae, pero lalaki pa rin ako in the inside!


At naramdaman ko talaga 'yun! Naramdaman ko ang malalambot niyang lab-


AAAHHHHH!!! HINDI! HINDI KO NAISIP 'YUN!


HINDI KO RIN NALASAHAN ANG XO CANDY NA KINAKAIN NIYA! NAIMAGINE KO LANG 'YUN!


Feeling ko yung Alistair na 'yun ay isang malanding babae sa real world. Yung tipong palipat-lipat ng lalaki sa sobrang kati nito na para bang binubulutong.


Pagkarating namin sa building, lahat ng makasalubong namin na babae ay sumasama ang tingin sa akin, na parang bang may malaking kasalanan akong ginawa. Siguradong dahil 'to sa nangyari kahapon.

Pagpasok ko sa classroom, nagsitinginan ang mga kaklase ko. Pinabayaan ko na lang 'to at dumiretso sa upuan ko. Ayaw ko talagang pag-usapan 'to kaya ang unang lalapit sa akin at magtatanong ay automatic bugbog-sarado sa akin.

"Eloise,"

Sakto, gusto kong manapa- "Zach, b-bakit?"


Except siya, of course.


"Ok ka na ba?" tanong niya.

"Ah, ok na ko. Nabigla lang talaga ako, haha..." Bigla kong naalala na sa harapan pa niya ako hinalikan nung isa. Hindi ko alam kung mahihiya ako o lalo lang mababadtrip.

"Sure ka? Grabe rin ginawa ni Alistair, hindi ko ineexpect 'yun."

Mas lalo na ako.

"Anyway, libre ka ba mamaya?" tanong niya.

"Ako?"

"Hindi, sapatos mo." Natawa siya. "Ikaw of course."

"Uhh, oo. Bakit?"

"Well alam mo naman na twister fries season na. Minsan lang 'yan at hindi pa ko nakakain. Gusto kitang yayain sana. Wala kasi akong kasama since yung mga kaibigan ko hindi pwede."


Seryoso ba 'to?


Niyayaya niya ba kong makipag...date?


Date?


DATE?!

SWITCHWhere stories live. Discover now