SWITCH #2

905 30 2
                                    

Name: Evans T. de Rosales

Age: 17

Status: It's very complicated

Sex: ...

FEMALE?!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Tinitigan ko sarili ko sa salamin at ang pinapakita ay isang babaeng hindi ko kilala. Chineck ko ang salamin na baka isang TV 'to o anumang kababalaghan, pero salamin talaga siya. Kahit anong galaw ko sumusunod rin siya, nagotso-otso pa nga ako.

Hinawakan ko ang mukha ko, wavy hair ko, ang curves ko, at...at...

TUPANG INETS! MAY BOOBS AKO!

HINDI 'TO TOTOO! HINDI 'TO PWEDE! ANONG KLASENG KABABALAGHAN 'TO?! WALANG LOGICAL EXPLANATION!

NAGING BABAE AKO!

Evans, relax ka lang. Chill. Dahil isang panaginip lang 'to at hindi 'to totoo. Isang panaginip na hindi ka pa nagigising. Ilang sandali lang gigising ka sa kwarto mo at tatawanan mo lang 'tong panaginip na 'to. Mas maganda pag kinalimutan mo 'to at tuloy-tuloy na ang buhay mo.

Yes, isa lang 'tong panaginip.

Isang masamang panaginip, at kailangan mo nang gumising.

Kaya gising na, Evans. Gising na.

GUMISING KA!

Kinurot ko sarili ko pero nakaramdam lang ako ng sakit. "Aray!"

PATI RIN BOSES KO NAGBAGO!

Naging...naging...ba....ba...babae ako?

Teka, teka. Pag babae nga ko...ibig sabihin nun...

Tiningnan ko ang loob ng pajamas ko.

NAWAWALA SI EVANS JUNIOR!

"BUNTOT KO!"

*BAM BAM*

"Hoy! Ano nangyayari diyan?"

"Kuya? Kuya?! Ano nangyari sa akin?!" Dali-dali akong lumabas ng banyo at binuksan ang pinto ko para makita...hindi kapatid ko. "Sino ka?!"

May isang magandang babae sa harap ko ngayon. "Anong sino ako? Ikaw nga dyan nagsisisigaw na parang nasisiraan ng ulo, Eloise!"

"A-ano? E-Eloise?"

"Oo! Ikaw lang naman ang Eloise dito sa bahay!"

"Hi-hindi. Hindi! Sinong Eloise? Hindi ako Eloise! Si Evans ako! Evans na lalaki at hindi kita kilala! Nasan kapatid ko?!"

SWITCHWhere stories live. Discover now