SWITCH #9

482 21 4
                                    


"Mare, samahan mo naman ako sa library mamaya."

Kumakain kami ngayon sa canteen at itong kasama ko kanina pang umuungol.

"May kailangan akong tingnan para sa report ko." tuloy ni Marseille.

"Wala ako sa pakialam. Masakit ang puson ko at ang lakas pa."


Parang may Niagra falls ako dito.


Nag-pout siya, pero nagmumukha siyang kabayo. "Sige na~ Titigil 'yan pag sinamahan mo ko."

"Mag-isa ka."

"Sige na mare! Please! Please!" Paulit-ulit siya hanggang sa lumuhod na siya. "PLEEEEAAAAASE!"

"Oo na, oo na! Tumayo ka na dyan!" Kumain ako ng ube ice cream ko. "Alam mo hindi ko talaga alam kung paano kita naging kaibigan."

Todong nakangiti 'to nang bumalik sa upuan. "Aminin mo na kasi, mahal mo ko! Yiiiiieeee!"

"Tigilan mo ko kung 'di sasapakin kita!"

"Sabi na nga mahal mo ako~ GFF! Girlfriends forever~" Hindi talaga nagbabago ang pagiging pilyo, o pilya, nitong kumag na 'to. Napaisip ako, kapag nakabalik na ang lahat sa dati ano kaya magiging reakyon nitong Mustafa kapag nakwento ko na naging babae siya sa reverse world? Panigurado tatawanan ako 'nun, o kaya'y papapuntahin sa mental.

Saktong sumigaw ang mga babae. "OMG! Ayan na ang RainBoys! Zach, tingin ka dito!"

"Zach my loves!"

Napalingon ako sa direksyon nila at nakitang umupo ang grupo sa lamesa nila. Pero grabe naman 'tong mga babae, mamamatay na ata sa pagkakatili.

"Ayyy! Alistair! Nandyan na si Alistair!"

"Alistair, pa-kiss nga!"

Ugh, ayan na rin ang mokong.

Agad-agad may mga babae na namang tumatayo at sumisigaw. Grabe lahat na lang tumitili dito. Mga boses palaka naman. Ngayon ko lang din naalala na ganito rin sa real world, 'yun nga lang ako tinitilian.


Haay~ nakaka-miss din minsan.


Nakita kong papunta sa akin si Zach at pinipisil ni Marseille ang kamay ko. "Swerte ka talaga mare! Biro mo sa'yo lalapit ang jackpot! At OMG may isa pa!"

Napansin ko rin papalapit si Alistair. Sa totoo lang kung totoong babae ako siguro kinikilig na ko, pero hindi eh, lalaking-lalaki ako. Nawiwierduhan lang ako sa nangyayari.

Hindi ata nila napansin isa't-isa kasi pagdating nagulat sila at natanong ni Alistair "Zach, nandito ka ba para kay angel?"

Tumango siya. "Yup. Yayayain ko siyang manood ng game sa Friday."

"Oohh~ akala ko kukunin mo na siya sa akin."

"Kelan pa ba ko naging iyo?" tanong ko dito.

"Mula nang mahulog ka sa langit~"

"At ihuhulog kita sa impyerno."

Sumabat si Marseille "Hay nako mga papa, upo kayo~ Wag niyong sayangin energy niyo. I-save niyo lahat ng lakas niyo para sa game."

Magkabilaan nga silang umupo sa tabi ko, at naramdaman ko ang nagbabagang mata ng mga babae.

"Angel, game of the year natin 'to. I want you there with me." nakangiting sabi sa akin ni Alistair. Hahawakan na niya sana kamay ko pero iniwas ko agad. Akala niya ha, may moves ako. Huwag niya kong kulitin at umaagos ang dugo ko ngayon.

SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon