Broken Twenty-Eight

103 6 2
                                    

Nagising ako ng mabigat ang ulo at masakit ang katawan. Ni hindi ko nga maidilat ang mga mata ko, gawa ng sinag ng araw.

Bakit ba ang sakit ng katawan ko? Pati na ng ulo ko..?

Binago ko ang posisyon ko ng patalikod mula sa araw, para mabuksan ko ang mga mata ko.

Pagkadilat ko ay agad na bumungad sa akin ang makalat na sahig ng kwarto. Pero hindi basura ang nakakalat, kundi mga damit.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Iniikot ko pa ang tingin ko sa buong kwarto at doon ko napagtanto na wala ako sa apartment ni Vince.

Sandali, nasaan ako?  Bigla namang lumaki ang mga mata ko sa naisip ko. Oh no.. Please.. No. Panaginip lang to diba? Wala naman talagang...

Agad naman akong napabalikwas ng bangon ng maalala ko ang nangyari, kagabi.

Napalingon ako sa tabi ko at doon, nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Hindi.. Hindi pwede to..

Napatakip na lang ako ng bibig ko upang hindi ako maka-gawa ng ingay o maka-sigaw.

Nakita kong nakasampay ang mga damit ko sa upuan na pinagpatungan ko nito kagabi. Dali-dali akong nagbihis at agad na umalis sa bahay na yun. Kailangan ko ng umalis dito.. Bago pa siya magising.

Nag-para at sumakay na ako sa taxi upang makauwi na. Sigurado akong tatanungin ako ni Vince kung saan ako galing. Baka hindi lang tanungin..

Bigla naman akong napahawak sa braso ko. Lalong lumala yung sugat ko doon. Parang natamaan, na hindi ko maintindihan. Napakasakit nito..

Bakit... Bakit ko pa siya hinayaan? Bakit ko ginawa yun? Sana hindi na lang ako pumayag na sumama sa kanya.

Unti-unti ng tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Naguguluhan na talaga ako.

Ano na lang ang sasabihin ni Vince, pag nalaman niya to? Si Vince..

Naramdaman ko naman ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi pwede to.. Ayoko na.. Hindi ko na kakayanin to.

Gulong-gulo na ang isipan ko. Pero may isang bagay na kahit papaano ay sigurado ako.

Yun ay.. Hindi ko na siya mahal.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

When I got home, the place was quiet. Too quiet.

It's only 10:54. Where are they? Where's Vince?

I was shocked when I heard something shattered from Vince's office.

What was that?

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now