Bound Nine

222 8 1
                                    

"Kuyaaaaa!!! Nasaan ka ba?! Kuuuuuyyyyaaaaaaa!!!" Nakita kong lumaki ang mga mata ni Sab ng marinig niya ang boses ni Ysabel.

Isa lang pumasok sa isip ko. Hindi niya pwedeng makita si Sab.

Lumingon ako kay Jack, na isa ring hindi mapakali. Ganito kaming lahat pag nanjan si Sarah.

"Jack, distract her. Kailangan ko pang itago si Sab."

"Yes, Sir." Pagkatapos nun ay umalis na siya.

Muli akong lumingon kay Sab na nakakunot ang noo.

"Bakit mo ako itatago?" Tanong niya.

"Kasi pag nakita ka niya, iisipin nun girlfriend kita at makakarating to kina mom na mauuwi naman sa kasalan." Halata namang nagulat siya base sa expression ng mukha niya.

"Sige, itago mo nalang ako." Tumango na lang ako at naglakad patungo sa bintana at binaba ang kurtina.

"Stay here. Hangga't hindi ko binubuksan yung pinto, wag kang gagawa ng ingay. Okay?" Tumango siya bilang sagot. Pagkatapos nun ay lumabas na ako at nilock ang pinto mula sa labas para kung sakaling buksan to ni Ysabel ay may mai-dadahilan ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nang makababa na ako ay nakita kong parang trumpo si Ysabel na paikot ikot sa buong apartment.

"Nasaan ba kasi kuya?! Busy na naman ba?! Kuyaaa!! Nasa---" Bigla naman siyang bumangga sa akin dahil patalikod siyang naglalakad habang hinahanap ako.

Minsan nagtataka din ako kung paano naging isa sa mga kilalang models to ng London lalo na at ganito ang ikinikilos niya.

"Kuya!" Tili niya sabay yakap sa akin. I missed her too but not her attitude.

"Sarah Ysabel De Silva, anong ginagawa mo dito sa pilipinas?" Kumalas siya sa akin sabay nag pout.

"Eh kuya naman, wala man lang bang I miss you or welcome back?" Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"I missed you too, Ysabel. Pero alam kong may sadya ka kaya ka pumunta dito." She raised her eyebrow and smirked at me.

"You know me well, kuya." I shrugged at what she said. She's right.

"So?" Pagtatanong ko.

"Dito tayo." Dumiretso siya ng kitchen at sinimulang buksan ang isa sa mga wine doon.

Well now she's acting like a lady.

"What is this about, Ysabel?" Nilapag na niya ang dalawang champagne glasses na may white wine at saka umupo sa tabi ko.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now