Bound Thirteen

233 7 3
                                    

Vince

Kakatapos ko lang sa last appointment ko at papunta na ako para sunduin si Sabrina.

Hindi ko alam pero parang gusto ko siya agad makita. Medyo binilisan ko ang pagmamaneho upang makarating na sa hotel.

Pagkarating ko doon ay agad akong bumaba at pumasok sa loob. Halos ikutin ko na ang buong lobby pero hindi ko siya makita.

Nagtanong-tanong na ako pero ang mga sagot sa akin puro hindi ko alam.

Dumiretso ako ng HR department. Nagtanong ako kung sino ang boss ni Sabrina at sinabing isang Kyle Lewis daw.

Kyle Lewis? Parang wala naman akong kilalang ganon?

Lumabas ako ng hotel at sinimulang tawagan siya pero nakapatay ang cellphone niya. Tsk. Lagi na lang ganito.

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko. Sabi ko sa kanya hintayin ako dito eh. Nasaan na ba siya?!

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang Bar kung saan ko siya nakitang lasing noon.

Sana mali ako ng iniisip.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumunta na roon.

Pagkapasok ko yung mga katrabaho agad ni Sabrina ang bumungad sa akin. Nasa iisang lamesa lang sila at halos lahat ay lasing na.

Nandoon ang mga katrabaho niya pero wala doon si Sabrina. May isang hindi pa gaanong lasing kaya siya ang tinanong ko.

"Where's Sabrina?" Nakita kong parang nabuhayan siya ng dugo at medyo nagpa cute.

"Wanna drink? Halika tabi tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I'm not here to flirt with you miss, Nasaan si Sabrina?" She rolled her eyes and pointed over to the restrooms.

Paglingon ko ay agad na nagdilim ang paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sabrina

"Vince.." Bulong ko ng makita ko siya na kulang na lang ay patayin tong boss ko.

Paglingon ko kay Sir Kyle ay nakita kong halos mamilipit na siya dahil sa pagkakabugbog sa kanya.

Bumaling din ang tingin niya sa boss ko na mukhang nawala ang pagkalasing dahil sa ginawa niya. Nilapitan niya ulit si Sir at kwinelyohan.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now