Broken Twelve

241 9 1
                                    

Sabrina

Tinangka kong buksan ang mga mata ko ngunit napapikit muli ako ng salubungin ito ng sikat ng araw.

Medyo nag-inat ako dahil parang nangangalay na yung kamay ko.

Naramdaman kong may braso na naka akbay sa akin at ako naman ay may niyayakap. Sandali... Nananaginip ba ako?

Nang nakayanan ko ng dumilat ay dahan-dahan kong nilingon kung sino ang nasa tabi ko.

Sumalubong naman sa akin ang mukha ng bagong gising na si Vince, nakangiti siya at gulo-gulo ang buhok.

"Good morning." Bati niya ng nakangiti at saka ako hinalikan sa noo. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Good morning." Sabi ko at muling pumikit at niyakap siya ulit. Narinig ko siyang tumawa ng marahan.

Si Vince lang pala katabi ko eh.

Bigla akong napa-dilat at saka nanlaki ang mga mata. Sandali, mag katabi kami?!

Tinignan ko ulit  siya at nakita kong napakalapad ng ngiti niya, halatang natatawa pa ang loko pero pinipigilan lang.

Bigla naman akong napabalikwas at medyo umisod palayo sa kanya.

Hindi ko siya matignan, alam kong pulang-pula ako ngayon. Tapos may pa good morning-good morning at kiss sa noo pa! Shemay, bakit magkatabi kaming natulog?

"B-Bakit tayo magkatabi matulog?" Mahinang tanong ko. Nakakahiya talaga!!

"Nakatulog ka kagabi habang nagke-kwento." Nagkibit-balikat lang siya. "Napaka-disrespectful naman kung gigisingin pa kita para lang lumipat diba?" Nilingon ko siya at nakita kong nakasandal siya sa head board habang inuunan niya ang dalawa niyang kamay.

Oo nga pala, Nag-usap pala kami kagabi, sa sobrang pagod ko hindi ko na namalayang nakatulog pala ako.

Medyo bumaba ang tingin ko at nakita kong nakatanggal ang butones ng long sleeves niya tapos kita yung abs... Napalunok ako sa nakita ko. Juice colored! Nagiging mahalay na ako!

Nag-iwas agad ako ng tingin ng makita kong nakatitig siya sa akin.

"Slept, well?" Pagtatanong niya.

"Yup. U-uhm Sige balik na ako ng kwarto ko." Tumango naman siya.

Papalabas na sana ako ng magsalita siya.

"Hey, thank you." Nilingon ko siya at saka ngumiti.

"You're welcome." Sabi ko at saka hinawakan na ang door knob.

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now