Broken Twenty-Six

170 9 0
                                    

Dumiretso kami ng Italianni's Restaurant, para mag lunch.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Addicted pa rin sa Italian food.

"So.. What tya hungry for?" Tanong niya, habang seryosong nakatingin sa menu.

He's always taking food, seriously. Like, always.

"Uhm.. The usual, I guess?" I shrugged then made a face. He chuckled at my expression.

Be a good girl today, Sab. Try to have some fun or at least be happy.

Happy? Tss. Nevermind. 

Tumawag siya ng waiter para kunin ang order namin, pero yung manager ang lumapit sa amin.

"Yes, sir? What would---" Bigla naman siyang napatigil sa pagsasalita at saka pinalipa-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"Sir Andrew?" Nakita ko namang ngumiti si Drew sa kanya at saka sila nag shake-hands.

"Ang tagal ko na kayong hindi nakikita dito." Napalingon naman siya sa akin. Nginitian ko lang siya at tinanguan. "At siya pa rin ang kasama niyo. Five years ago ng huli ko kayong makita dito at kung hindi ako nagkakamali ay birthday niya yun at nagpasurprise---" Napatigil siya ng tumikhim si Drew.

Medyo nakaka-ilang na nga naman dahil binabanggit niya pa yung mga memories namin dito. Buti naman at nahalata niyang nao-awkward ako.

"I'm sorry, sir. Overwhelmed lang ako dahil nakita ko kayo ulit dito, after so many years." Tumingin sa kanya si Drew na parang hindi na masaya sa naririnig niya.

Tumikhim muna yung manager bago nagsalita "Anyway, what would you like to have this, afternoon?"

"Just the usual." Bigla namang lumawak ang pag-ngiti nung manager.

"Ofcourse. Your food will be serve in 15 minutes" At pagkatapos ay umalis na siya.

Napaka-awkward talaga. Nakatitig lang siya sa akin habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Kung ano-ano na lang kinakalikot ko. Pati nga asin, napagdiskitahan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan yung isa kong kamay na nakapatong sa lamesa. Agad ko naman siyang tinignan ng masama.

"Drew, ano ba?" Tinignan niya ako ng mata sa mata bago ngumiti.

Shet, ano ba naman to?

"You're calling me Drew, again." Tumawa siya ng marahan at saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko "Anyway, you seem a bit tensed, just relax, okay?" Marahan niyang pinisil-pisil ang kamay ko. Ang init ng kamay niya.

Palihim akong napakagat-labi.

Aaminin kong medyo nag-relax yung katawan ko. Bakit ganito parin yung pakiramdam? Walang pinagkaiba sa dati..

Bound and BrokenWhere stories live. Discover now