Chapter 5: Part 3

5.9K 104 5
                                    

AUTHOR’S NOTE :

Sorry po talaga kung ngayon lang nakapag-update medyo busy lang po.

Anyways Happy 2k + readers :) super duper happy tlga ako especially sa  mga nagcomment and nagvote.

Lovelots!

CHAPTER 5: PART 3

THIRD PERSON’S POV:

Hindi pa na nahintay ni Kevin ang asawa dahil sobra na talaga siyang gutom.

Pinaghanda na lang niya ang sarili at agad na kumain.

Wala na siyang pakialam kung hindi pa kumakain si Cassandra basta ang alam niya kailangan na talaga niyang kumain.

Tama nga marahil ang marami na kapag gutom ang tao, nag-iiba ang ugali tanging sarili muna ang iniisip.

Pagkadating ng asawa , tapos na siyang kumain at agad na niya itong iniwan dahil gustong-gusto na talaga niyang matulog.

Pagkaraan ng ilang sandali naramdaman na lamang ang asawa na nasa kanyang tabi na . Hindi na lang muna siya dumilat dahil wala naman talagang dahilan.

Naramdaman na lamang niya itong hinalikan siya sa kanyang labi. Sa totoo lang nagulat siya sa ginawa nito. Isa pa sa masasabi niya napakalambot ng labi nito at parang ayaw na nitong tumigil pa.

Agad naman itong humiga na sa kanyang tabi na parang walang nangyari.

Nang maramdaman niyang tulog na ito ay agad siyang nagmulat ng mata at tiningnan ang asawa.

Hindi niya akalaing may pagnanasa ang asawa sa kanya kahit na tulog na siya . tsk napatawa naman siya sa inisip niya.

Alam naman niyang may gusto sa kanya ang asawa dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya . Bato lang ata ang  hindi siya magugustuhan sa taglay niyang kagwapuhan.

Maganda naman talaga sana  si Cass pero nakakainis ito para sa kanya dahil akala niya nagpapainosente effect lang ito.

Ang alam niya kasi may pagka slut din si Cass dahil sa maganda ito. Lahat kasi ng maganda sa kanya slut na agad ang tingin niya.

Pero may pagkakaiba si Cass sa mga babae niya dahil galit na galit siya dito . PInilit kasi siya nito na makasal siya ditto na ayaw naman niya dahil sa image niya at gusto niyang maging bachelor pa ng mas matagal .Tsyaka na siya mag-aasawa kung sawa na siya sa bachelor life niya pero hindi nangyari ang gusto niya.

Ang matindi pa nakasal siya sa isang babae na wala man lang ganang mag-ayos ng sarili kahit na konti.

Ang tipo pa naman niyang babae ay maganda , matalino , sexy syempre at higit sa lahat ibibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki palagi.

Naalala niya ang biro ng kanyang mga kaibigan sa isa't isa.

Sinabi ng mga ito na hindi siya nag-iisa dahil silang lahat ay nakasal ng wala sa oras at sa hindi tamang babae.

Mukhang tinamaan nga talaga siguro talaga sila ng malas.

Nang makaramdam siya ng antok ay tumalikod na siya sa asawa at natulog na . Kailangan na niyang matulog dahil may party na naman sa club kasama ang mga kaibigan niya bukas ng gabi.

Kailangan din pala niyang isama ang asawa niya dahil ito ang napag-usapan nilang magkakaibigan ang isama ang kanya kanyang asawa para may katulong sila o utos- utusan.

Hindi pa alam ni Cass ang tungkol dito at bukas na lang niya sasabihin ito. Papayag naman ito dahil wala siyang magagawa dahil siya ang masusunod. At isa pa magkikita kita sila ng mga kaibigan niya na asawa ng mga kaibigan niya.

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now