Chapter 8

4.6K 81 14
                                    

CASSANDRA'S POV :

Nakarating na kami sa club na pagmamay-ari ni Jacob na asawa ni Alice. Nagpark muna kami at sabay-sabay na pumasok.

Pagpasok pa lang namin sumalubong na sa amin ang halo-halong amoy ng alak at sigarilyo. Sobrang nakakahilo dahil di ako sanay sa gantong lugar. Idagdag pa ang mga iba't ibang kulay ng ilaw na sobrang nagpa-ikot ng paningin ko. Sobrang sakit sa mata.

"Gosh! Kaya ayoko pumunta dito sa club ang daming nagma-make out. Pwede naman silang pumunta somewhere in private. Mga walang-hiya sa sarili!  They should get a room for pete's sake!!!" sigaw ni Ynna na may bahid ng pandidiri. Sa sobrang lakas ng music kailangan pa niyang sumigaw para lang marinig namin.

"Don't mind them, Ynna! We should find our husbands first before anything else !" sagot naman ni Sam. Sa sinabi nito agad kaming nagpalinga-linga nagbabakasakaling makita namin ang mga asawa namin. Pero nabigo kami.

Hinanap na namin dito sa baba still no sign of them. "Girls, Let's go upstairs maybe we can find them there." Seryosong sabi ni Alice. Sa tono nito para bang dapat na magmadali na kami. Umakyat na kami pero nag-aya si Max na mag-CR muna.

Habang nasa CR kami, kanya kanya retouch . May biglang umungol kaya medyo nabalot kami ng takot. Wala pa namang tao busy magpakasaya sa labas.

"Alis na tayo. " ika ni Ynna. Halata na natatakot na maski ako dahil nakarinig kami ng kaluskos na unti-unting lumalakas. Galing iyon sa isang cubicle.

Napunta ang atensyon namin kay Alice ng humakbang ito papunta sa direksyon ng cubicle. "Teka,Alice wag na kaya? Baka kung ano pa yan eh!" suggest ko at hinawakan siya. Sobra akong kinakabahan ee. Sumang-ayon naman sila Ynna.

Imbes na magpapigil tanging irap lang ang natanggap namin sakanya. "Ano ba naman kayo! Wag nga kayong matakot titingnan ko lang na-" Naputol ang sasabihin niya ng may marinig kami. Lahat kami napatulala at sabay-sabay na napatingin sa last cubicle.

"Shit! Jacob. I'm cumming !!!"so all this time kung tama ang nasa isip namin ito ang nangyayari.

Agad na pumunta sa naturang cubicle si Alice. Halatang galit na galit ito pero nangingibabaw ang sakit na nadarama sa kanyang mga mata.

Agad kaming sumunod sa kanya at pinagtulungang pigilan ng pinagtangkaang pasukin ito.

"Wait Alice! Baka naman hindi si Jacob yan at mapahiya pa tayo." Nakahawak si Max  kay Alice habang sinasabi niya ito. Pero mukhang walang narinig ito at pinilit na tinatanggal ang pagkakahawak namin sakanya.

"Let me go!!!" Naiiyak na sabi niya.

"Look Alice! Baka kung ano pa ang makita natin dyan at makadisturbo pa tayo. It might not Ja-" Naputol ang sinasabi ni Sam ng marinig nga namin ang boses ni Jacob.

Sa sobrang pagkabigla namin nabitawan namin siya kaya napasok niya ito. Agad naman kaming nag-iwas ng tingin sa nakita naming posisyon ni Jacob at ng babae nito. Pano ba naman nakakandong kay Jacob yung babae.

"Mga walanghiya kayo!!!" Sigaw ni Alice at pinagsasampal yung babae. Halata na nagulat ang mga ito at nabitin.

Agad na na tumayo si Jacob at nag-ayos. Nakita ko gamit ang peripheral vision ko kaya lang di malinaw buti na lang ayoko ngang may makita sa kanya.

"What the fck Alice!!! Wag ka ngang mag-eskandalo dito at dinala mo pa talaga mga kaibigan mo dito para magmukha na naman akong masama?" Galit na saad ni Jacob at marahas na hinawakan si Alice.

"Ano sumagot ka ! Iiyak ka lang ba dyan? Gusto mo pa talaga na makita ng mga kaibigan mo kung anong nangyayari satin?" Patuloy niya at binalingan din kami.

"Hindi ko sila dinala dito para makita nila ang mga kawalang-hiyaan mo!!!" Sigaw na pabalik ni Alice.

"Sabagay gaya mo rin naman sila mga desperada. I forgot you are all in the same situation and we are so damn unlucky." Nakangising sabi ni Jacob at binalingan ulit kami na puno ng pangungutya.

Medyo nasaktan kami sa sinabi niya . Wala siyang karapatan para sabihin yun samin.

"Pwede ba! Don't make excuses Jacob and Don't you ever say that to my friends" galit na sabi ni Alice at sinampal si Jacob.

"At ikaw makating babae!!! Ano pang ginagawa mo dito? Nanunuod ng drama." Baling ni Alice sa babae na walang ginawa kundi tumawa. Sinabunutan siya ni Alice. Agad naman naming nilapitan si Alice at tinatanggal ang pagkakahawak sa babae. Napangiwi na lang ako. Natanggal nga namin ang kamay ni Alice sa buhok ng babae may natanggal naman na buhok dito.

Buti nasa labas na kaming lahat ng cubicle siguradong di kami kakasya eh.

"Worthless Bitch!" Galit na saad ni Jacob at hinila yung babae palabas ng cr. Aangal pa sana pero wala na siyang nagawa nasa labas na siya eh.Kami na lang ang natira at pilit naming pinapatahan si Alice.

"What do you really want from me Alice? Kung pera at katawan ko lang naman ang hanap mo !!! Pwes! You will get what you want! Right now!" sa sinabi nito lalo kaming naalarma.

Malamig niyang tiningnan si Alice at unti-unting tinatanggal ang butones ng polo nito.

Oh no! Shit ! Anong balak niya?

Humakbang siya palapit papunta kay Alice na katabi ko. Naalarma ako kaya tinago ko siya sa likod ko. At tinulungan nga namin si Alice na maharangan namin siya kay Jacob.


Napahinto si Jacob sa paghakbang at ngumisi. "You really amuse me.You should not get in my way! You know what you should run now because you're own husbands will be really furious about this." Pananakot nito.

Nanginig naman kaming lahat sa sinabi nito pero nagpakatatag kami. Hindi pwedeng maiwan si Alice dito.

"Woah! Di kayo natinag? O baka naman gusto niyong makita ang gagawin ko sa kanya ha?!" Panunuyam na sabi ni Jacob at tuluyang tinanggal ang kanyang polo.

Tumawa ito at napailing na lang ng mukhang nakuha niya ang gusto naming manatili dito.

"It's your choice. Enjoy ! haha"  malademonyong wika nito.

Sa bawat hakbang nito lalo kaming napapa-atras.

"Help! Help us!" hingi ng tulong ni Sam.

Lalo namang natawa si Jacob at unti-unting binababa ang zipper ng pantalon nya pero buti na lang hininto niya ng kalagitnaan na . "No one can help you! Remember it's my club".

Tuluyan na siyang nakalapit at hinatak si Alice mula samin.

Pinilit naming bawiin siya pero sadyang malakas siya. Umiiyak na kami sa sobrang frustrations.

Nasa ganong sitwasyon kami ng malakas na tunog ng pinto ang narinig namin. May nagbukas.
Agad kaming napalingon sa mga nagbukas.

Shit! Tell me it's not happening!

"Oopss!!! They're here.  Get ready, Girls!" Pang-aasar pa ni Jacob.

Tanging naririnig ko na lamang ang pintig ng puso ko at siguradong ganun din ang nararamdaman nina Max.

Sinalubong namin ang masasamang titig samin ng mga asawa namin.

*******

Ooopppsss!!!! Putol muna XD

Hulaan niyo kung anong mangyayari sa kanila?

Gosh sa CR ba nila gagawi  ng magkakasama ? haha joke lang.

Sige hula lang :-)

Vote and Comment.







Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now