Chapter 11

4.7K 107 87
                                    

Dedicated this chapter to my one and only kapatid @YouSaeVictorySMae. Author din siya sa dito sa Wattpad kindly check for her stories.

Happy Birthday Kapatid and I love you. Stay humble and kind :)

Goodluck to your recent stories! Sana makamtan mo na din ang pangarap ng isang author sa wattpad. Number one fan mo ko alam mo 'yan ;) Walang kalimutan kapag sumikat ka na haha at alagaan mo readers mo at sa magiging fans mo. ;)

Mag-aral ng mabuti ha?! Lol XD

Wish you luck and a good health! Godbless you mwah mwah tsup tsup love you lumalablab ate ;)

~Lumalablab Ate Jhay






Cass

"Game." Hudyat na simula na ang bwelo.

Unti-unting nagsi-atrasan ang mga kalalakihan.

May mga naghubad ng pang itaas na damit. Nag-adjust ng kung ano ano.

"Anong makukuha namin kung mananalo kami?" Untag ko.

Napalingon sila sa sinabi ko.
Unti-unti silang napahalakhak sa tanong ko.

"Panalo agad?"

"Dave. Hindi din kami ang tipo na basta basta na nakikipag duelo ng hindi namin alam kung ano ang mapapala namin. Alam niyo 'yan." Seryosong saad ko sa kanya at matiim kong tinitigan siya sa mga mata niya.

"O sige na nga dahil mapilit ka at finally you call me by my name na which is namiss ko sayo. Kapag nanalo kayo ngayon aalis kami at kakalimutan na namin ang nangyari dati plus hindi na kami manggugulo pa. On the other hand itutuloy natin ang naiwan nating 'business' " Mapanuyang pahayag niya.

Tinitigan ko si Dave. Masasabi kong gwapo siya at matinik din sa babae. Pero sadya siyang mapaglaro at mapanakit.

Nagtataglay siya ng mga bughaw na mata, mapupulang labi, medyo naging kayumanggi na din ang kulay ng balat niya marahil sa sinadya na maging ganyan ang balat niya pero hindi naman naging kabawasan ito sa kagwapuhan niya bagkus ay bumagay pa nga sa kanya lalo.

Para sakin mas gwapo pa din ang asawa ko !!

"Mukha namang walang angal kaya simulan na natin dating gawi you and me,Max and Jay,Alice and Zayn,Sam and Rex,Ynna and Jake." Parang haring utos niya.

"Goodluck girls" Matamlay na sabi ni Ynna habang lumalapit siya kay Jake. Si jake naman pinasunod siya sa lugar na sila lang ang pwede pero nasa area lang dapat ng club.

Nagsitanguan naman kami at sinimulan ng lapitan ang makakaharap namin.

Shit! Panibagong pasa na naman.

"Come to me babe," husky na tawag sakin ni Dave.

Lumapit naman ako sa kanya at hinanda ang sarili.

"Oh himala ata hindi ka na agad agad sumusugod sa mga kalaban mo? Nag-asawa ka lang naging weak ka na din ,Cass?" Sinasagad niya ako para mapilitan akong makipaglaban sa kanya.

"The Great Cass and her friends are now weak." Patuloy niya at nakarating na kami sa parking lot.

"Ano nga ba ulit pagkakakilala nila sayo? Ng asawa mo alam niya ba lahat?. Ah oo nga pala na mahina kang babae kaya pala nadala mo hanggang dito 'yang arte mo. Pano kapag nalaman niya-"

Hindi ko na siya pinatapos pa at sinugod ko na siya gamit ang bakal na nakuha ko sa sahig na malapit sakin.

"Hayop ka! Huwag na huwag mong sasabihin iyan sa kanya. Mapapatay talaga kita Dave. Tandaan mo iyan." Galit na galit na banta ko habang pilit na tinatamaan siya pero dahil sa magaling siyang umilag ay kahit madaplisan man lang ay di ko magawa.

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now