Chapter 12

4.1K 79 26
                                    

This chapter is dedicated to @AyskremBeybi my #0 fan daw haha XD hello ^_^ salamat sa pagrequest haha. Thank you sa support sa story ko sana ipagpatuloy mo ang pagsupport sa mga stories ko. Thanks.

Wala akong masabi medyo na overwhelm ako sa lahat ng comments niyo. Keep it guys!

Pm niyo lang ako o comment lang kayo kung sino magpapadedicate :)

pagpasensyahan ang UD ko ngayon medyo sabaw babawi na lang ako sa next UD. Hope you enjoy guys!!

***********



"Parang ewan naman oh! Asan na ba tayo? Mamaya mawala pa tayo neto." Kakamot kamot na tanong ni Charles sa kanila.

"Pwede ba manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin." Aniya Lucas

"Hindi tayo mawawala okay? Nasa likod lang natin ang club at tanaw pa naman natin. Kaya huwag kang duwag dyan." Sabat ni Jacob.

"Totoo kaya 'yung video kanina? I doubt na kung totoo 'yun. Mamaya paawa lang mga 'yun." Sabi ni Aaron habang abala sa pagtetext sa bagong karelasyon.

"That's why we are here to know everything." Malamig na tugon ni Kevin. Hindi pa din matanggal sa isip niya ang video na nakita nila sa club or let's just say na nagpatakbo sa kanila palabas.

Wala ng natirang tao sa club na pagmamay-ari ni Jacob dahil sa napanood na video. Lahat ng tao sa club napatigil sa mga pinaggagawa dahil bigla na lang namatay ang tugtog at bumukas ang flat screen monitor.

Naglalaro pa rin sa isipan ni Kevin ang mga napanuod niya kanina.

"Fuck! Buhay pa ba mga 'yun?" Nagpapanic na tanong ni Jacob sa kanila.

"Baka nga fake lang yung video na 'yun kaya nga pupuntahan natin para malaman kung totoo. Lagot talaga yung Max na 'yun sakin kapag peke lang ang lahat. May nalalaman pang paiyak iyak sa video at paaray-aray sa saksak daw niya kuno sa balikat.Tsk!" Nabwibwisit na sabat ni Aaron.

Ayon kasi sa napanuod nila si Max ay may natamong saksak sa balikat at may sugat din sa pisngi na siguradong magiging peklat dahil sa lalim at haba ng sugat.

Si Sam naman ay pinagpapalo ng kahoy sa iba't ibang parte ng katawan at hinulog pababa sa building.

Si Cassandra naman ay tiyak na malubhang napuruhan dahil alam nilang pinahirapan ito ng husto kaya nga napapunta sila agad sa kung saan man ito pero hindi lang nila alam kung saang parte ito naruruon.

Habang sina Ynna at Alice ay hindi nila napanuod dahil sa umalis na sila agad at basta na lang iniwang bukas ang screen.

Kaya eto sila ngayon lagpas 30 minutes na silang palakad lakad ng walang direksyon.

"What's that?" Turo ni Lucas sa di kalayuan.

Sa di kalayuan ay may lalaki na hatak hatak ang isang babae na puro dugo ang suot na cocktail dress. Wala na itong malay at hinahatak ito papunta sa isang gate patungo sa isang building.

"Holy Shit! Si Ynna ba 'yun?"

Nagtatalo ang isip at katawan nila kung pupuntahan ba nila ito dahil nga baka gawa gawa lang ito ng mga asawa nila para maawa sila sa kanila.

Bang! Bang!

Tunog ng baril ang nagpabalik sa katinuan nila ng marinig nila ito.Hinanap nila kung saan ito galing at napatanga sila sa nakita di kalayuan sa kanila.

"Alice!" Sigaw ng isang lalaki di kalayuan sa tumatakbong si Alice.

Bang! Bang!

Sa sumunod na pagputok ng baril ay kitang kita nila kung paano natamaan si Alice sa balikat malapit sa puso at kung paano ito bumulagta sa daan.

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now