Chapter 10:

4.5K 85 51
                                    


Cassandra

Imbes na tulungan ko sina Max ay nagmistulang parang tuod akong nakatitig sa mga lalaking dahilan ng kabang gumagapang sa buong pagkatao ko.

Dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa gitna at natitigan ko kung paano ito ngumisi habang nakatingin sakin.

May binulong ito sa katabi at lahat naman sila napangisi sa sinabi nito.

'Ano na naman bang pinagbubulungan nila?' Sigaw ng utak ko.

Ayoko sa mga makahulugang tingin at ngising binibigay niya sakin. Alam na alam ko na may pinaplano ito pero hindi ko alam kung bakit sila nandito. Tahimik na kaming namumuhay nina Max tapos guguluhin na naman nila kami?

Matagal na kaming nagbagong-buhay sana naman ay hayaan na nila kami at huwag ng guguluhin pa!

Inis akong napaungol at saka binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko .

Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang inawat at pilit inilalayo.

"Ano ba Cassandra! Pabayaan mo nga kami kung ikaw pumapayag na maagaw ang asawa mo pwes kami hindi. Kaya bitawan mo na kami at baka makalimutan namin na kaibigan ka namin." Pabalang na sabi ni Alice sakin.

Tiningnan ko sila isa isa at halatang iritado na sila sakin

"Hindi naman sa pumapayag ako na agawin ng babaeng iyon ang asawa ko but-"

"Ano na naman bang meron Cass? May mas importante pa bang bagay maliban dito? Tell us! The hell hindi 'yung ganto na pipigilan mo na lang kami basta basta" Max added

Hinila ako paharap ni Ynna sa kanya. "Minsan na nga lang tayo magkaroon ng chance na ipaglaban ang dapat satin tapos you will stop us." Nawala na ang mala-anghel na mukha ni Ynna at napalitan ito ng galit na galit na itsura malayo sa mahinhin na Ynna.

"Ano Cass? Mananahimik ka na lang dyan? Kung tatahimik ka lang pala dyan pwes! tumabi ka dyan at manahimik ka na lang" Sam burst out. Hindi na ako nabigla ng bigla nila akong tabigin at nagsimula na namang pumunta sa kinaruruonan ng mga asawa namin.

'Patience'

Hindi na ako naka-imik sa kanila dahil ang buong atensyon ko ay nasa mga lalaking iyon pa din.

Biglang tumayo ang mga ito at naglakad na papunta sakin.

Papunta sakin?! What?

Nang malapit na sila sakin at akala ko ay lalapitan nila ako dire-diretso lang silang naglakad palabas na ng club.

Buti naman. Akala ko pa naman may gagaw-

Wait!

Agad na tiningnan ko sila sa nilabasan nila pero hindi ko na sila natanaw pa.

Shit! Dapat hindi ko sila pinabayaang makaalis ng basta basta.

Sakit pa sa ulo 'tong sina Max eh.

Bago pa sila ulit makalapit ng tuluyan ay agad ko na silang sinigawan.

"If you think na mas importante 'yang gagawin niyo ngayon. I'm so sorry to tell you but it's not."
Napatigil silang lahat at napatingin sakin.

Pati mga tao sa club ay pinagtaasan ako ng kilay dahil sa inasta ko. Hindi nila mawari kung ano pa ang mas iimportante kesa sa pagpigil sa mga asawa namin na lumandi.

Sufferings of his WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon