Chapter 3:

8.3K 121 11
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi everybody!   I am very sorry po talaga na ngayon lang ako mag-uupdate medyo busy kasi ako ngayon.

Hope you like my update for today! and please VOMMENT!

CASSANDRA'S POV

Nagtext ang matalik kong kaibigan na si Max.

Si Max Moore ay matalik kong kaibigan kahit noong high school pa kami. Siya lang din naman ang kaibigan ko. Pareho lang naman kasi kami eh. Noong high school kasi kami pareho kaming nabubully kahit hanggang college hindi kami tinantanan ng mga bullies sa Elites Academy kami nag-aaral ni Max kaya puro talaga mayayaman. Mayaman rin naman kami ni Max kaya lang mahina kami kaya nabubully kasi hindi namin kaya lumaban sa kanila.

Ang masakit pa mga crush namin ang leader ng mga bullies kahit ganun sila mahal na mahal pa rin namin sila hanggang ngayon.

Tama kayo hanggang ngayon . Ang tinutukoy kong mga high school crush namin ay ang mga asawa namin.

Funny right? Pareho naming napangasawa ang mga gusto namin. Marami ang hindi makapaniwala dahil ang mga gwapong pinagpapantasyahan ng nakararami ay naging mga asawa namin. Kaya nga ayaw rin ng mga asawa namin sa amin dahil hindi sila makapaniwala na isang katulad lang namin ang napangasawa nila na hindi pasok sa standards nila dahil babaero nga sila gusto nila maganda,sexy at magaling sa kama para mapagsawaan nila.

Nabalik na lang ulit ako sa katinuan ko dahil nagring na naman ang phone ko. Nagtext na naman pala ulit ito.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit nagtext? Napailing na lang ako at binuksan na ang phone ko.

Pagkabasa ko pa lang ng text niya ay napahawak na agad ako sa aking bibig.

From : Max

Cass, kailangan kita ngayon magkita naman tayo ngayon. please.

From : Max

Cass, Hindi ko na kaya 

Agad naman akong nagreply dito.

To : Max

Best kayanin mo. Huwag kang mag-alala pupuntahan kita magkita na lang tayo sa  ***** Restaurant. Hintayin mo ako.

Agad akong naligo at nag-ayos na. Nagtaxi lang ako papunta doon dahil wala naman akong sariling kotse.

Ano na naman kaya ang ginawa ni Aaron sa kaibigan ko?

Sana ok lang siya ngayon.

Yan ang mga nasa isip ko habang bumabiyahe.

Si Aaron Roberts nga pala ang asawa ni Max kaya ang gamit na pangalan ni Max ay hindi na Max Moore kundi Max Moore-Roberts na.

Magbestfriend nga pala sina Aaron at Kevin. May mga iba pa silang mga kaibigan at kapwa sila mga babaero katulad nilang dalawa.

Tama kayo pareho lang sina Kevin at si Aaron. Parehong-pareho lang sila na sinasaktan kami ni Max.

Lahat silang magbabarkada ay kasal na actually lima sila kasama na doon sina Kevin at Aaron yung tatlo pala ay sina Charles na isang International Model ng isang International Model Agency na pagmamaya-ari ni Aaron. Si Jacob naman ay isang club owner doon naman sila tumatambay kaya libre sila ng magkakaibigan doon at laging VIP pa. Panghuli naman ay si Lucas na Vice President sa kompanya ni Kevin. Lahat sila puro mga gwapo pero may mga ugali.

Lahat din sila kasal na sa mga babaeng hindi nila gusto kaya ayun katulad din namin sila. Naging magkakaibigan din naman kami dahil pareho kami ng sitwasyon. Puro kami mababait at magaganda ewan ko nga kung bakit hindi kami magawang mahalin ng aming mga asawa.

Nakarating na din ako sa restaurant. Agad akong nagbayad sa driver at pumasok na sa loob.

Nakita ko naman agad si Max na halata mong malungkot . Nilapitan ko ito kaagad.

"Max, ano bang nangyari?" panimula ko .

Bigla itong umiyak nagpanic naman ako agad baka kasi may nasabi akong mali.

"Cass, Gusto na ni Aaron na magdivorce kami. Ano ba ang gagawin ko ? Alam mo naman na mahal na mahal ko siya hindi ko kayang mawala siya sa akin."  tugon nito

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pagkabigla ko sa mga sinabi nito.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo?" tanong ko ulit dito.

Agad naman niyang kinuwento ang mga pangyayari na kanina lamang naganap ayon sa kanya. Napag-alaman ko na nagalit si Aaron sa pagsampal na ginawa ni Max sa babae nito na dinala niya kagabi. Nagawa lang naman iyon ni Max dahil sa pinagsalitaan ng babae nito ang kanyang mga magulang ng mga masasamang bagay at hindi na niya napigilan ang sarili at nasampal na niya ito. Dahil dito umalis ng galit na galit si Aaron at hinintay ng hinintay siya ni Max buong magdamag. Umuwi nga ito pero mag-uumaga na at nagkaroon na naman sila ng panibagong away at napagbuhatan din siya ng kamay ni Aaron. Umalis din kaagad si Aaron pero bago iyon nagsabi ito na makikipaghiwalay na ito sa kanya na gusto na nito ng divorce.

"Huwag ka munang mag-isip ng kung anu-ano Max.ok? Hindi naman siguro niya itutuloy iyon diba? Ang mabuti pa umuwi ka na muna sa inyo at magpahinga. Hintayin mo siyang umuwi at kausapin mo siya tungkol sa nangyari kanina." Payo ko dito

Kalaunan din napagpasyahan na naming umuwi . Nagpresenta ako na ihatid ito sa kanila pero tumanggi ito dahil kailangan ko din naman daw gawin ang mga gawaing-bahay at gampanan ang pagiging asawa ko.

Dahil maaga pa naman napagpasyahankong dumaan muna sa grocery para bumili na ng stock namin tutal naman nasa labas na ako at malapit na ring maubos ang stock sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang sa grocery store dali- dali akong kumuha ng mga kailngan ko at agad na pumunta sa counter para magbayad. Marami pa kasi akong dapat gawin sa bahay na dapat ay matatapos na ako.

Agad na akong pumara ng taxi at umuwi na . Hindi pa rin matanggal sa akin ang mag-alala kay Max.  Ang mga nangyari sa kanya at kung gaano siya nasasaktan ngayon. Kahit ako ay nasasaktan para sa kanya dahil alam ko rin naman ang pakiramdam na ganunin.

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now