Chapter 5: Part 1

6.2K 109 8
                                    

AUTHOR'S NOTE :

Sorry kung ngayon lang nag - UD pero As I promise na mag-uupadate ako agad and this is it !

Thanks to all !!!

VOMMENT !!!

CHAPTER 5 :

PART 1 :

THIRD PERSON'S POV :

Kanina pa palakad-lakad si Kevin sa sala. Hinihintay niya ang asawang si Cassandra. 

Labis ang inis na nadarama niya rito. Umalis ito ng walang paalam sa kanya . Hindi sa nag-aalala siya dito . Ang kinaiinis niya dito umalis na nga ito ng walang paalam hindi pa ito nagluto ng makakain niya.

Gutom na gutom na siya dahil hindi siya kumain knaina sa Office dahil sa tambak na trabahong kailangan na niyang tapusin. Maraming papers ang dapat niyang pirmahan pero bago dapat niya ito pirmahan kailangan niya muna itong ireview dahil nakasalalay ang success ng kompanya niya.

Nang dahil dito lalong sumakit ang kanyang ulo kaya napahawak siya dito at hinilot hilot niya ang kanyang sentido.

Isa pang kinapuputok ng butsi niya ay umuwi siya agad upang  sa bahay na lang siya kumain ni hindi na nga niya pinaunlakan ang imbitasyon ng kanyang mga kaibigan na pumunta ng bar . Dala na rin ng pagod at gutom kaya siya umuwi.

Pagkatapos wala rin pala siyang mapapala sa pag-uwi niya at nadagdagan lang ang sakit ng ulo niya dahil sa asawa niya.

Kung sumama pala siya mabubusog pa siya at makapambabae pa siya. Iyan ang mga bagay na kinapanghihinayangan niya. Wala tuloy siyang stress reliever bagkus dinagdagan pa ito ni Cassandra.

Napailing na lang siya sa mga naiisip niya.

Kanina pa niya sinusubukang tawagan si Cassandra pero hindi pa rin nito ito sinasagot.

" Damn it ! " mura nito sabay hagis sa kanyang cellphone at padabog na umupo ulit.

Marahas niyang ginulo ang sariling buhok dahil sa sobrang inis na nadarama.

" Where did the fuck she go ?! " Tanong niya sa sarili.

" Maybe.... " Napailing na lang siya sa iniisip niya .

" Did she already left me ? " Imbis na mag-alala o mataranta sa naisip. 

Napangiti na lang siya ng nakakaloko sa iniisip.

Dahil walang dahilan para umalis ang asawa . Wala naman itong mapupuntahan . Ang mga kaibigan naman nito ay may sarili sariling asawa na at ang mga kaibigan niya ang mga asawa nito.

" There's no way she could left me "  

Napagdesisyunan niyang tumayo na at lumabas na para humanap ng makakain dahil hindi naman siya marunong magluto .

Naglakad lang siya palabas ng village nila at napadpad siya sa 7/11 . 

Wala na siyang choice kundi ito na lang ang pwede niyang makainan dahil ito ang malapit at gutom na gutom na talaga siya.

Pagpasok niya agad na napatingin ang lahat sa kanya. Alam naman niya ang dahilan noon at dahil iyon sa kanyang taglay na kagwapuhan.

Napatawa naman siya sa loob loob niya dahil pinagmamayabang na naman niya ang sarili niya. Pero ano nga ba naman ang magagawa niya totoo naman na may ipagmamayabang siya kaya sulitin na niya.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa kumuha na siya ng makakain at nagbayad na sa cashier na walang ibang inatupag kundi ang titigan siya.

Hindi pa man siya nakakapagbayad biglang bumuhos ang malakas na ulan.

" Shit.." mura niya dahil wala siyang dalang payong at lalong hindi niya dala ang kotse.

Napansin naman siya ng cashier at parang may naisip na ideya ito.

" Sir , May payong po kami ditong benta . Gusto niyo po bang bumili ? Malakas po kasi ang ulan sa labas at mukhang matatagalan pa bago ito tumila " Sabi nito sa kanya at sabay turo sa payong.

" Ok. I will buy that " tugon naman niya dito dahil gusto na talaga niyang makauwi ng bahay.

Pagkatapos niyang bilhin ito agad na siyang lumabas.

Buti na lang talaga nakabili siya ng payong kundi magmumukha siyang katawa tawa dahil magiging basang sisiw siya ng wala sa oras.

Hindi naman siya masyadong nainis dahil umulan . Gusto niya rin naman talagang maglakad lakad at magpahangin saglit sa labas.

Napahinto siya hindi kalayuan sa tapat ng bahay nila . Tama lang para makita niya ang asawa na nakatayo lang sa labas ng bahay nila na parang malalim ang iniisip.

Tinitigan niya itong mabuti . Basang basa na ito . Tila hindi siya napapansin nito.

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][[]

A/N :

Putol po muna sa Part 2 na ulet :) 

Continue to support po my story :)

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now