Chapter 7

4.9K 89 7
                                    

CASSANDRA'S POV

Kalaunan natapos ko na rin ang mga gawaing-bahay. Si Kevin naman ayon kumain lang ng tanghalian tapos natulog na . Mukhang pinaghahandaan niya talaga ang party mamaya sa club. Sana wala siyang kasamang babae mamaya . Gusto ko talagang masolo siya.

Pasado 5 na ng hapon at kasalukuyan kong hinahanda ang dinner namin sa dining table. Ayos na rin kung maaga ang dinner kesa ang maging dinner namin mamaya ay puro alak. Paniguradong pagpumasok na kami mamaya sa club kahit anong yaya ko kay Kevin hindi yan sasama sa akin kumain ng dinner sa labas.

Pinuntahan ko na agad ang asawa ko sa kwarto namin . Naabutan ko siyang napakahimbing ang tulog . Lumapit ako at umupo sa tabi nito. Marahan kong tinapik ito sa kanyang pisngi.

Agad naman siyang nagmulat ng mata at bumangon.

" What time is it ? " tanong niya at binalingan ako ng tingin .

" 5:30 Pm na . Ginising kita para makakain na ng dinner. " sagot ko.

Tumayo na ito at nagpunta sa banyo. Ako naman agad kong inayos ang kama.

Bigla namang tumunog ang phone ni Kevin na nakalagay sa bedside table. Mukang may nagtext sa kanya.

Ayoko mang pakialaman pero parang may nagtutulak sakin para gawin ito.

Dali - dali kong kinuha ito at tumingin muna sa pinto ng banyo. Sorry Kevin

From : Cyrill

Hi babe ! See you at the club later and after that let's have in my condo. See yah !

Agad kong binura ito . Wala na kong pakealam kung hindi ito nabasa ni Kevin . Talagang hindi dapat niya ito mabasa . Labis ang lungkot na aking nadarama ngayon.

Makikipagkita pala siya mamaya sa babae niya at kelangang hindi mangyari iyon. Natatakot ako na matuloy ang mga balak nito.

Binalik ko na lang ulit ang phone ng asawa ko at saktong namang bumukas ang pinto. Kaya naman napalingon agad ako pero tumalikod ulit ako at bahagyang namula.

Panu ba naman kasi nakahubad lang itong lumabas at dire-diretso sa walk-in closet namin.

Iyong lalaking talagang iyon hindi man lang marunong mahiya . Kung sabagay ano ba naman ang dapat niyang ikahiya . Napakaganda ng katawan nito talagang hindi kayang tanggihan ng mga kababaihan .

Agad naman ulit akong namula . Anu ba naman yan Cassandra , maghunos dili ka asawa't muna at lahat lahat pinagnanasaan mo parin. Napatampal na lang ako sa noo pati ba naman sarili ko kinakausap ko na naman .

Nagulat ako ng nakalapit na pala sa akin si Kevin . Nakasuot ito ng shirt at boxer. Mataman niya akong tiningnan .

" Bakit ba nakatayo ka lang diyan ? Wala ka bang balak na kumilos ?! O baka naman gusto mong iwanan kita dito ha ?!!" Iritang saad nito.

Natataranta kong tinungo ang pintuan at binuksan. Bago pa man ako makalabas . Nagsalita na naman ito.

" May nagtext ba sakin ? " Dahil sa sinabi nito agad akong napalingon sa kanya.

Nakalapit na pala ito sa bedside table at kasalukuyang hawak ang phone niya.

" W-wala Kevin" Nanginginig kong sambit sa kanya.

Nilingon niya ako at sabay na itinaas ang kanang kamay niya na hawak ang phone.

" Siguraduhin mo lang na mali ang dinig ko kanina at hindi phone ko ang narinig kong tumunog kanina. Kundi makakatikim ka na naman sakin Cassandra ha ?! " May diin niyang sabi.

Sufferings of his WifeWhere stories live. Discover now