Chapter 13

4.8K 91 34
                                    

I dedicate this chapter to @lienmae. My #1 fan ^_^. Salamat sa support mo sa mga stories ko. Salamat din dahil ikaw ang tagapagtanggol ko at wala kang sawa na pinapaalalahanan ako na mag-UD na through PM. Salamat dahil pinapagaan mo ang loob ko kapag alam mo na haha at salamat sa tawag mo sakin na idol kakainspired mag-UD eh. Mish na kita :3 Alam kong busy ka and sana magustuhan mo tong UD ko haha. Goodluck sa studies mo and alagaan mo sarili mo parati ;) ingat ka palagi. Mwah.









Cass

Napabalikwas ako ng bangon mula sa isang napakasamang panaginip. Sa sobrang sama parang totoong nangyari.

Ano ba yan! Napanaginipan ko pa tuloy yung malanding Dave na 'yun.

Nakakainis! Siguro sobrang inis yung Dave na 'yun sakin dahil binasted ko kagabi sa club kaya pati sa pagtulog ko pinepeste ako.

Napabuntong-hininga ako ng nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto namin ni Kevin.Hinatid nga pala ako kagabi ni Alice.

Wala pa rin pala si Kevin.

Napaismid ako ng naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Malamang nasa babae niya 'yun ngayon.

Isa pa sa dahilan ng masamang panaginip ko ay sa sobrang paghihimutok at sobrang galit na nadarama ko kay Kevin ang dahilan kaya nanaginip ako ng masama.

Ang masama. Pinatay pa ko sa panaginip ko ng Dave na 'yun.

Parang totoo ang panaginip na 'yun. Hindi ko nanaiisin pang isipin ang itsura ko sa panaginip ko para akong manikang pinaglaruan at walang habas na pinagpapalo.

Bahagya kong hinilot ang sentido ko ng kumirot ang ulo ko.

Hang over!

Pagkatapos kasi naming makipag-away sa mga asawa namin kahapon ay nagpakalasing na kami at doon na kami nilapitan ng grupo ng Dave na 'yun.

Inaaya akong makipag date at kinakantyawan pa kong ayos lang daw sa kanyang kahit may asawa na ko.

Sa sobrang inis ko sa kanya hinila ko na paalis sina Alice na hindi maawat sa pakikipagtagisan ng masamang tingin sa gawi nina Kevin at kasama ang mga babae nito. Panay pa ang bulyaw sakin ng mga kaibigan ko kesyo daw dapat sinugod na namin ang mga malalanding iyon pero depensa ko naman baka magalit pa ng husto ang mga asawa namin. Dapat pa nga gumawa kami ng paraan para magbago ang isip nina Kevin at marealize nila na kami ang dapat para sa kanila.

Tumayo na ako dahil ayoko ng maalala kung paano ngumiti si Kevin at kung paano makipagkulitan sa babaeng 'yun. Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang papunta akong kusina para magluto na. Pasado alas nuwebe na pala ng umaga ng masilip niya ang orasan sa sala.

Kaya siguro dinalaw ako ng masamang panaginip dahil sa parang pinapatay ako sa sobrang selos at galit.

Ayan tuloy minurder ako sa panaginip ko!

Umiling-iling ako para maalis sa sistema ang takot na nadarama dahil sa masamang panaginip ko.

Habang nagluluto ako ng bacon at fried rice dahil ako lang naman ang kakain ay biglang may umimik sa likuran ko.

"Hi." Lumingon ako sa likod ko ng makita ang babae ni Kevin. Awtomatikong napataas kilay ako sa presensiya niya.

Ano namang ginagawa niya dito? Hindi pa ba sapat ang nangyari kagabi at andito pa siya?

"Uhm. Gusto sana kitang makausap kung pwede." Magalang niyang sabi sakin.

Napatawa ako ng wala sa oras. Kahit pa na mabait ang pakikitungo nito sa akin ay di pa rin maaalis sakin na magalit ng husto sa kanya dahil inaagaw na niya sakin si Kevin at sapat na rason na 'yun para magalit ako sa kanya.

Sufferings of his WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon