Chapter 26

7 1 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Actually sobrang aga, 3:30 ng madaling araw. Tinatamad na akong bumalik sa pagtulog, nanuod nalang ako ng tv. Habang nanunuod, hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. May naiisip akong bagay na paulit-ulit lang sa utak ko pero hindi ko maintindihan. Napakagulo ng isip ko ngayon.

Nagising na lang ulit ako nung tapos na yung show at malinaw na sakin ang aking iniisip.

Hindi na ako aasa pa kay Venus. Napag-isipan ko yung bigla na lang lumabas sa bibig ko kahapon. 'Hindi lang kay Venus umiikot ang mundo ko.'

Idagdag mo pa yung panaginip ko kagabi na lalong nagpagulo sa utak ko.

(Flashback ng panaginip ko)

Nakaupo akong mag-isa sa batibot. Habang ang ibang estudyante ay busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Bigla na lang may tumabi sa akin, tumingin ako at si Venus pala.

"Akashi im sorry. Akala ko hindi kita hahanapin kapag nawala ka sakin pero mali ako. I missed you so much, ilang gabi akong umiiyak at pinagsisisihan lahat ng nagawa at nasabi ko sayo. Sobra akong nagsisi dahil nasaktan kita. Mapapatawad mo ba ako?" tapos niyakap niya ako habang umiiyak.

Bigla na lang tumulo ang luha ko at niyakap din siya.

"Oo naman, mahal na mahal kita. Hindi kita sasaktan kahit nasaktan mo ako."

(End of flashback)

Ewan ko ba, maganda naman yung panaginip ko pero salungat sa naisip ko na conclusion. Ang gulo diba? Gumagana pa ba ng matino abg utak ko?

Pagkatapos ng first period ay sinunod ko ang nakasaad sa aking panaginip. Umupo ako doon at umasang mangyayari ang nakita ko kagabi.

Next subject ko na pero hindi naman sya dumarating. Siguro nga, sinunod ko nalang dapat ang conclusion ko na wag aasa na babalikan pa ako Venus ng kusa.

Kaya tumayo na ako at tinungo ang sunod kong klase. Nakasabay ko sa daan si Rae at Marian na kaklase ko sa subject na yon. Kaklase ko din dito si Venus pero doon yata sya dumadaan sa kabilang daan para maiwasan ako.

Siguro nga dapat ko na talagang itigil ang umasa sa kanya. Pero wala naman akong ibang magawa kundi ang maghintay sa kanyang pagbabalik. Naiinis talaga ako saking sarili, go parin ako kahit alam kong halos wala nang pag-asa para sakin.

Naisip ko tuloy ulit yung panaginip ko, ito yung gusto kong mangyari. Pero kabaligtaran ito ng conclusion ang ng totoong nangyari. Siguro kung nakahiwalay lang sakin ang isip ko, tatawanan lang ako nito. Sinunod ko kasi ang puso na hindi manlang nag-iisip.

Utak dapat ang pinaiiral ko kasi doon sya nagkulang. Hindi sya nag-isip ng mabuti, hindi nya naisip ang mararamdaman ko.

Nakakainis talaga ako, bakit basta nya nalang ako iniwan? Hindi parin talaga nagsisink-in sa isip ko yung kinahantungan namin ni Venus.

Pagkatapos ng last period, tinatamad talaga akong umuwi, nakakaboring kasi. Pumunta ako sa batibot para tumunganga nalang. Kailangan ko sigurong masanay ngayong hindi ko kasama si Venus.

Umupo ako, naiiyak ngayon habang iniisip na mag-isa ako. Umub-ob, habang tumutulo ang aking luha.

Nagulat ako nang maramdaman na may umupo sa tabi ko. Si Venus ito, nakatitig sa akin at yumakap.

Kung ano yung panaginip ko ay ang eksaktong nangyari sa amin ni Venus.

Hinigpitan nya ang yakap. Lalong umagos ang luha sa aking mata. Sobrang saya ko, nagpapasalamat ako dahil bumalik na sya sakin.

----------------------------------------------------

Guys dont forget to VOTE ha... :3

Pasensya na kasi lately, hindi maganda yung mood ko kaya madrama yung mga sinusulat ko. Pero ngayong maganda na yung mood ko, aayusin ko na.

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon