Chapter 20

31 3 0
                                    

2 months na pala mula nung sinimulan kong ligawan si Venus. 2 months na din na araw-araw kong ipinapadama kay Venus kung gaano sya kahalaga para sakin.

Ang bilis talaga ng panahon. Pero parang kahapon lang yung unang araw kung saan kung ano ang ginagawa ko noon, katulad din ng ginagawa ko ng dalawamg buwan pero wala pa akong naririnig na 'oo' mula sa kanya.

Pero hindi naman ako naiinip, naghihintay ako ng sagot mula sa kanya mula sumikat at lumubog ang araw o ang buwan.

Talagang gagawin ko lahat ng aking makakaya para lang sagutin nya ako.

7:00 nang ihatid ko si Venus sa bahay nila, diretso uwi na kami galing school. Ito naman lagi ang ginagawa ko sa loob ng dalawang buwan. Saulado ko na nga yung schedule eh. Ginagawa ko ang lahat ng yan dahil sa pag-ibig. Aaminin ko na iniisip ko nang mahihirapan ako nung sinimulan ko. Pero ginusto ko na din itong gawin palagi nung nasanay ako. Hinanap-hanap ko yung saya sa pakiramadam pag katabi ko si Venus.

Kahit lagi ko syang kasama, hindi ako nagsasawa. Ganito talaga siguro pag mahal mo ang isang tao, lahat ay kaya mong gawin basta para sa kanya.

Pero sa tagal ng panahong iyon, medyo naiinip ako. Hindi ko nararamdaman na may impact para sa kanya yung mga effort na ginagawa ko.

Nagpatugtog yung tropa ko. Nagplay naman ay yung 'Oh Cecilia' ng The Vamps. Una kong rinig sa chorus, tinamaan agad ako, para bang nakiayon yung kanta sa nararamdaman ko.

Cecilia, youre breaking my heart!

Youre shaking my confidence daily!

Nakaka-LSS yung kanta. Baleng palitan ng Venus yung Cecilia sa lyrics ng kanta eh.

Oh Venus, im down on my knees!

Im begging you please to come home!

Napasigaw nalang ako ng, Oh My G! Akala tuloy ng mga tropa ko, umiiyak na ako. Tinanong nila kung ok lang ako. Tumango lang ako ibig sabihin ay oo. Buti nalang hindi ko sya kasama ngayon. Nasa klase kasi sya ngayon at ako naman ay vacant kaya nakitambay nalang ako. Susunduin ko sya mamaya sa room para kumain.

Mga 30 minutes pa pala akong maghihintay sa tapos ng klase nina Venus kaya naman medyo nagtagal pa ako kasama ang mga tropa.

Makalipas ang 30 minuto, sinundo ko na si Venus sa room tapos lumabas. Dun kami kakain ngayon para maiba naman. Habang kumakain kami, gusto ko na sanang itanong sa kanya kung kelan nya ba ako sasagutin. Pero baka naman isipin nya na naiinip ako. Gusto kong mapag-isipan nyang mabuti ang bagay na to para hindi nya pagsisihan.

"Ok ka lang ba?" tanong nya sakin.

"Oo naman, bakit?" sabi ko.

"Kanina ka pa kasing tahimik eh," sagot nya.

"Venus may gagawin ka ba bukas?" tanong ko.

"Wala naman, bakit?"

"Tara manuod ng movie bukas sa mall," pagyayaya ko.

"Sige tara, gusto ko din panuorin yung bagong horror movie," pagpayag nya.

Buti na lang at pumayag sya, gusto ko din kasing manuod ng horror ngayon. Tutal wala namang pasok bukas tsaka para gusto kong manuod ng horror ngayon.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa loob para sa last period namin.

"Anong oras ka ba pwede bukas sunduin?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Sunduin mo ako sa bahay ng 8:30," sagot nya.

"Sige punta ako dun bukas ng 8:30," sabi ko.

"8:30 ha, hindi 8:45 o kaya ay 9:00," kasi alam nya na late ako minsan pumasok kaya nasabi nya yun.

"Yes, abangan mo ako sa inyo ng 8:00," sagot ko sa kanya.

Nakarating kami sa room tapos nagklase na. Bakit kaya minsan pakiramdam ko, exciting magklase kapag gabi? Siguro dahil sinasabi nilang lumalabas yung multo sa school kapag ganitong oras. Kaya may thrill pag bumababa kami mula sa third floor. Sabi nung iba, nakikita daw nila pero alam kong nagbibiro lang sila.

Lumipas ang isang oras at natapos na yung last period subject namin. Tulad ng dati, kasama ko nanaman si Venus kasi ihahatid ko sya sa kanila. Habang naglalakad, may sinabi sya sakin.

"Akacchi,"

"Bakit?" tanong ko.

"Kumanta ka naman hindi pa kasi kita naririnig kumanta," sagot nya.

"Hindi naman ako magaling kumanta eh."

"Sige na kung mahal mo talaga ako."

Dinala ko sya sa upuan na nasa tapat namin. Pinaupo ko sya at ako naman ay nakatayon sa harapan nya. Actually, ok lang naman akong kumanta. Nahihiya lang talaga ako kasi baka may makarinig sakin. Pero para kay Venus, kakanta ako. Haharamahin ko sya.

'Its just another night, and im staring at the moon. I saw a shooting star and tought of you.'

Kinanta ko yung All of the Stars by Ed Sheeran. Maganda kasi yung message ng kanta kaya naman gustong gusto ko ito. Tsaka fan ako ni Ed Sheeran.

Kitang kita ko naman yung ngiti sa mukha nya. Addict na talaga ako sa tuwing makikita ang mukha ni Venus.

Nasa last part na ako ng kanta nang bigla nalang akong lumuhod at tumungo. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko nanaman syang nakangiti. Sobrang special para sakin ng moment na to.

"Thanks," sabi nya tapos iniabot ang kamay nya para tulungan akong makatayo.

Naglakad kami ng konti tutal medyo malapit na naman yung kina Venus. Nasa tapat kami ng gate nang nagpaalam ako.

"Good night, bye bukas ulit."

"Sige, good night," sagot nya.

"I love you," sabi ko.

Tumingin sya sakin at ngumiti. Gabi-gabing ganito yung eksena namin ni Venus. Gabi-gabi ko syang sinasabihan ng I love you. Pero nginingitian nya lang ako. Para bang pinapakaba nya ako at isipin na sasagot sya pero hindi naman.

Alam ko naman na hindi sya sasagot kaya tumalikod na ako.

"I LOVE YOU TOO," pakinig ko mula sa aking likod.

-------------------------------------------------------

Guys VOTE if you liked the chapter.

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon