Chapter 15

33 3 0
                                    

Ilang araw din ang dumaan na pakiramdam ko, sobrang swerte ko dahil kasama ko si Venus. Sana ganito na lang kami lagi. Masaya ako basta sya lagi ang aking kasama. Hindi ko na nga masyadong nakakasama yung mga tropa ko dahil nga kay Venus. Hindi nga sila umaagal at sinasabing ipinagpalit ko na sila kay Venus. Sabi lang nila sakin, "Ok lang tol, dyan ka masaya eh."

Naisip ko ituloy yung balak ko pa dati na magtapat sa kanya ng pag-ibig ko. Pero nagdadalawang-isip pa ako kasi baka magalit lang sya sakin at mawala yung pagkakaibigan namin. Ayokong mangyari yun. Minsan na syang nawala sakin, hindi na ako papayag na mangyari yun.

Kasi ang friendship, madaling ibalik sa dati. Pero sa love, hindi ka sigurado kung maibabalik pa sa love o kahit sa pagkakaibigan. Para sakin, mas mahalaga sakin ang friendship namin kahit patago ko nalang syang minamahal.

Isang araw, nagpatawag ng meeting yung president namin. May gaganapin daw na victory party since kami yung champion nung intrams. Ang mga officers daw tulad ko ay magiging martial sa gabing yon.

Tinanong ko si Venus kung sasama sya at um-oo naman. Next week pa naman kaya may isang linggo kaming nagprepare ng kung anu-ano.

1st day na tumutulong ako, hindi ko nakakamusta manlang si Venus dahil sa sobrang busy. Sobrang dami din kasi ng ginagawa kaya konti nalang ang oras ko para sa iba. Kaya naman 2nd day, kinausap ko si Venus.

"Sorry ha hindi kita nasasamahan, medyo busy kasi," sabi ko.

"Ok lang yun, ginagawa mo lang ang duties mo bilang officer," sagot nya.

"I hope you understand," sabi ko ulit.

"Oo naman, naiintindihan ko nga."

Yan ang gusto ko kay Venus eh, magaling sya umintindi. Kahit parang mahirap, iniintindi nya nalang ako. Isa sa gustong-gusto kong ugali nya.

Bumalik na ako sa aking ginagawa. Natutuwa naman akong tumulong sa mga ka-officers ko, kaya lang hindi ako nakakapagtrabaho ng ayos kasi hindi ko nakikita ang aking inspirasyon.

Isang beses nga, binuksan ko lang yung picture nya sa cellphone ko, ginanahan na akong magtrabaho. Sinita nga ako ni ate Ella na president namin, "Wow Akashi, ganado kang magtrabaho ah!"

"Syempre, inspired eh," sagot naman ni Mark na kasama kong officer.

"Kanino?" tanong ni ate Ella.

"Secret!" sagot ko.

"Ngek, ayaw pa sabihin ii," sabi ni ate Ella tapos bumalik na kami sa trabaho.

Ilang araw din ang lumipas at natapos na kami. Medyo excited din akong umattend nun kasi pinaghirapan naming makabuo ng ganun. Saka namiss ko talaga si Venus na kasama kong pupunta doon.

Mas maaga akong pumunta doon para sa finishing touches saka para planihin yung mga gagawin namin.

Magsisimula na yung party at nasa labas ako ngayon kasama yung mga ka-officer ko na na-assign sa gate at welcoming.

Biglang may nagtext sakin. Tiningnan ko, yun palang pinsan ko na taga Laguna.

"Asan ka fre?"

"Bakit?" reply ko.

"Sembreak na kasi namin."

"Uuwi ka ba dito?" tanong ko.

"Di ko sure eh," sagot nya.

Pagkatapos magsend ng text ko, lumabas na ako para gawin ang duty ko. Nakita kong papalapit sakin si Karl, yung pinsan kong taga Laguna.

"Akala ko nasa Laguna ka," una kong bati sa kanya.

"Boring nga dun," sagot nya.

"Eh paano mo nalaman na nandito ako?"

"Sabi sakin nung kasama mo sa bahay."

Tapos pinapasok na kami nung adviser. Magsisimula na kasi, wala na atang hahabol pa.

Tutal katulad din naman ng suot ni Karl yung suot namin, pinapasok ko na din sya. Nakasabay namin sa pagpasok si bebe Kate, napalingon si Karl at nakita si Kate na isa ko ring kaibigan.

"Sino yun?" tanong nya nung makita si Kate.

"Si Kate, type mo?" sagot ko sa kanya.

"Wala, maganda lang," sagot nya.

Tapos umupo na kami para manuod ng palabas at palaro. Pumunta kami sa may gitna para kumuha ng pagkain.

Medyo busog na ako pero umungot sakin si Karl. Gutom pa daw siya, kaya lumabas muna kami para humanap ng makakainan. Napadaan kami sa Mcdo kaya dun nalang kami kumain.

Habang kumakain, naikwento ko sa kanya si Venus. Gusto nya daw makita, kaya sinabi kong ituturo ko sa kanya pagbalik namin.

Pagdating namin sa venue, nasa slow dance portion na. Umupo lang kami sa bleachers kasama si Mark.

"Tol isayaw mo si Kate!" sabi ko kay Karl.

"Ok," tapos bumaba na sya para isayaw si bebe Kate.

Hanga na talaga ako sa lakas ng loob nitong pinsan ko. Hindi nya naman kakilala pero isinayaw nya.

Nung natapos na sila, hinila nya ako. Ako naman daw, at isayaw ko si Venus. Kaya bumaba na ako at pinuntahan si Venus. Tinanong ko sya kung pwede kaming sumayaw. Medyo kinakabahan ako nung mga oras na yun kasi baka sya tumanggi. Fortunately, pumayag sya at tunayo para pumunta kami sa gitna.

Ngayon, nagplay yung All of the Stars by Ed Sheeran.

Inilagay ko yung dalawa kong kamay sa likod ng bewang nya, yung tipong magkahawak .a yung mga kamay ko. Inilagah nya naman yung kamay nya sa batok ko.

Sobrang sarap ng feeling ko nung mga oras na yun. Parang slow motion ang lahat. Yung music at malakas na kabog ng dibdib ko lang ang aking naririnig ko. Hindi maitago ang saya sa mukha ko, wala na akong pakialam kung magmukha na akong tanga sa mata ng ibang tao dahil nakangiti ako ng parang tanga.

Nung mga oras na yun, sa magandang mukha nya lang ako nakatingin. Hindi ko na talaga kayang pigilan yung nararamdaman ko. Parang gusto ko syang yakapin at sabihing 'Mahal Kita.' Pero hindi ko ginawa, bumanat nalang ako ng pabiro pero nasa kanya na yun kung nagegets nya. Sunod na kanta, kinuha ko yung kaliwang kamay nya sa batok ko. Ibinuka, pinagdikit ang mga daliri at sinabi,

"Alam mo ba kung bakit may butas dito sa pagitan ng mga daliri mo?"

"Bakit?" tanong nya.

"Para magkasya yung mga daliri ko kapag hinawakan ko ng ganito," sabay lagay ko ng palad ko sa palad nya at itinikom ito.

Pagkatapos nung ginawa kong iyon, ibinalik ko ang mga kamay namin sa kinalalagyan nito kanina. Sumayaw lang kami hanggang matapos yung kanta. Bumitaw na kami at bumalik sa pwesto namin kanina. Kanina, ayaw ko na sya bitawan, parang biglang may kumuryente sakin kanina nung humawak ako sa bewang nya. Spark nga ba ang tawag dun?

Our dance only lasted for 5 minutes, but it feels like I was dancing with her for an hour. Yun ang limang minutong hindi ko makakalimutan hanggan sa tumanda ako.

---------------------------------------------------------

Guys dedicate ko lang 'to kay kheiz,

Saka dont forget to VOTE ok!?

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon