Chapter 5

57 7 0
                                    

Ang bilis lumipas ng panahon. 3 months na pala agad mula nung pasukan at nung nakilala ko si Venus. Sa isang linggo ko na sana balak mag-confess ng nararamdaman ko para sa kanya. Sa ngayon, magpapaka-gentleman muna ako sa taong nagugustuhan ko.

Sa loob ng tatlong buwan na lumipas, dumami din ang aking mga kaibigan at tropa. May isa nga akong tropa na kung saan ako pumunta, nandoon din siya kasi iisa lang naman ang schedule namin ng klase. Ang pangalan niya ay Joven. Kapag walang klase, madalas kaming tumambay sa book store kung saan malamig.

At syempre, dahil ng sa tropa ko sya, alam nya na may gusto ako kay Venus.

Isang beses tinanong nya ako, "tol, diba 3 months ka nang may crush kay Venus?

"Oo, bakit?," sagot ko sa kanya na may kasama ding tanong.

"Mahal mo na yan," sabi nya sakin.

"Bakit mo naman tol nasabi?," tanong ko sa kanya.

"Sabi kasi ng ibang psychologist, pag lumampas ng 3 months na crush mo ang isang tao, mahal mo na yun!," paliwanag nya sakin.

"Edi, mahal ko na pala si Venus. Next week kasi aamin na ako sa kanya," sagot ko sa kanya.

"Sya tol, dalian mo. Baka maunahan ka pa, di ba yung iba nating tropa may crush dun."

"Gusto ko kasi perfect timing pag kinausap ko sya, tsaka ayokong madaliin baka pumalpak".

Nung hapon, nakatext ko si Venus. Kung anu-ano lang yung mga pinag-uusapan namin hanggang umabot sa topic na crush.

"Akacchin, sino ba ang crush mo?" tanong nya sakin.

"Sabihin mo muna ang crush mo," sagot ko sa kanya.

"Ngek, ikaw muna. Ako ang unang nagtanong eh," pangungulit nya.

"Ayoko nga sabihin," ayokong sabihin kasi sya yun.

"Alapa, hindi masabi. Siguro kilala ko yun," pangungulit nya pa lalo.

"Kilala mo nga," nagbigay na lang ako ng clue sa kanya.

"Sabihin mo na kasi."

"Tama na ang isang clue," sagot ko.

"Sabihin mo na, bestfriend mo naman ako. Hindi ko ipagkakalat," pangungulit nya pa lalo.

Hindi na ako nagreply, baka kasi mahuli nya pa ako. Sasabihin ko na lang sa kanya sa paraan na planado ko.

Kinabukasan, nakita ko si Venus. Parang hindi nya ako nya ako nakita kasi himdi nya ako pinansin. Alam kong may mood swings sya minsan pero hindi katulad nito. Siguro hindi nya lang talaga ako nakita. Hindi parin sya namansin nung sunod na beses.

Siguro galit sakin si Venus, dahil ata dun sa kahapon na hindi ko sinagot yung tanong nya sakin. Ganun kasi talaga si Venus, nagagalit agad kahit sa maliit na bagay lang. Ibang-iba talaga yung ugali nya. Isang dahilan para magustuhan ko sya.

Pero paano ko sya makakausap kung galit sya sakin, kainis naman.

Ilang beses kong sinubukang mag-sorry sa kanya sa text, tawag at personal. Pero hindi ko magawa, nahihiya kasi ako sa kanya. Dapat pala sinunod ko na lang yung tip sakin ni Joven. Isang linggo nya din akong hindi tinetext, tinatawagan o pinapansin man lang. Namimis ko tuloy sya, parang hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko sya nakakausap. Isang araw tinext ko sya, hindi ko inexpect pero nagreply sya sakin. Yung mga text nya sakin, katulad ng dati, parang walang nangyari.

Tapos nun, bumalik na rin kami sa dati. Namiss ko talaga sya ng sobra kaya ang saya-saya ko nung bumalik kami sa dati, para akong nabunutan ng tinik sa heart.

Dumating ang intrams at text ako ng text sa kanya kasi niyayaya ko syang manuod. Kaya lang hindi sya nakakapunta kasi hindi pa daw sya naliligo. Ayos lang yun sakin, baka medyo nakakasawa na nga naman na ako yung lagi nyang kasama aat ganun din ako sa kanya. Sina Joven na lang lagi ang kasama ko kahit ngayong intrams lang.

Halos lahat ng sport event ay napanood ko na kasama si Joven at iba ko pang tropa. Dahil nga masayang kasama sina Joven, medyo nakalimutan ko si Venus.

Bago ako umuwi, gusto ko muna makita si Venus.

Kaya naman tinext ko sya, "hoi, asn ka?"

Nagreply sya pagkatapos nanaman ng 10 minutes, "nsa may backgate."

"Cnung kasama mo?"

"Cna bebe Den, bakit?"

"Tau mag-shake!"

"Geh, libre mo!XD"

"Ok"

Tapos pumunta na ako agad sa may backgate para puntahan sina Venus. Nakita ko sila na nakaupo sa plantbox. Nginitian nya ako nung nakita ako na papalapit.

"Tara na bestfriend!" agad nyang sinabi sakin.

"Isama mo na sina bebe Den, libre ko kayo," tutal mapera ako mgayon.

Tapos tinawag nya na yung mga kasama nya tapos pumunta na kami sa tindahan. Lahat sila pinili yung chocolate shake, kami lang ni Venus ang bumili nung coffee shake. Kasi mahilig ako sa kape. Umaga, tanghali, gabi laging kape ang hinihigop ko. Siguro ganun din sya kaya coffee din yung pinili nya. Bigla namang nagsalita si Denise na tinatawag din nilang bebe Den.

"Bebe, ang bait naman ng bestfriend mo," sabi ni Den.

"Alam ko, ang swerte ko nga dito eh," sagot nya kay Den.

Medyo natuwa naman ako kasi naaapreciate nya pala yung mga ginagawa ko. Kahit yun lang ang ginagawa ko, natutuwa parin pala sya kahit papaano sakin.

Pagkatapos mag-shake, umuwi na kami.

---------------------------------------------------------

Yess, tapos na ang chapter 5, guys please dont forget to VOTE or COMMENT for this. Sobrang naaapreciate ko yung mga magbabasa, boboto o magcocomment.

ARIGATO!!!

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon