Chapter 23

19 2 0
                                    

Pinatabi ni sir yung mga, magkakapartner. Hindi ko tuloy katabi si Venus. Pero kampante naman ako dahil si Mark ang partner nya. May tiwala ako na aalagaan nya si Venus para sakin. Katabi ko ngayon si Rae at kausap para dun sa research namin, actually business research sya. Parang baby thesis o feasibility study.

Nag-isip kami ng posibleng feasibility study. Habang nag-iisip, tinitingnan ko kung anong ginagawa ni Venus. Busy sya sa pagsusulat habang si Mark naman ay nagsasalita ng dire-diretso. Siguro nakaisip na agad sila ng study. Habang kami naman ay nag-iisip palang.

Binalik ko ang aking atensyon kay Rae at may naisip agad akong idea. Napatingin ako kay Marian, bestfriend ni Rae na kaibigan ko din. Ngiting-ngiti sya sakin tapos tumitingin kay Rae. Siguro iniisip nya na may gusto ako kay Rae pero ang totoo, si Venus lang talaga ang mahal ko.

Itinuloy ko lang ang aking pag-iisip at pagsusulat. Hanggang sa matapos ang klase sabay ang tapos ng aming pagpaplano.

Sabay kaming lumabas ni Venus at pumunta sa canteen.

"Musta ang FS nyo?" tanong ko.

"Ok naman, medyo mahirap," sagot nya.

"Gusto mo tulungan ko kayo?" pag-aalok ko.

"Wag na. Baka hindi ka makapagfocus sa study nyo," pagtanggi nya.

"Oo nga. Kaya nyo na naman siguro yun."

"Sayang hindi tayo magkapartner," sabi nya.

"Ok lang yun," sabi ko sabay patong ng kamay ko sa buhok nya.

"Bakit naging ok yun," tanong nya.

"Baka kasi hindi ako makapagfocus ng ayos pag ikaw ang kasama ko. Tsaka mabuti nalang napunta ka kay Mark at ako naman ay kay Rae," sagot ko.

"Ok lang pala sayo na hindi ako kapartner basta partner mo si Rae!" sabi nya sabay lakad ng mabilis para unahan ako.

"Hindi naman sa ganun," sigaw ko habang hinahabol sya.

Pero tumakbo sya hanggang sa hindi ko na maabutan. Hinanap ko sya sa buong school at nakita ko sya sa batibot na msg-isang nakaupo.

"Sorry, napikon lang ako nung sinabi mo na ok lang na hindi tayo magkapartner."

"Ok lang yung baby," sagot ko sabay yakap sa kanya.

Sa isang relationship, hindi maiiwasan ang conflict. Pero sinisigurado kong maayos ko din kung sakali na mangtari ito sa amin ni Venus.

Nang matapos yung mga klase namin, sinamahan ko nanaman sya sa kanila.

"Baby, hindi siguro kita madalas makakasama dahil sa FS namin," sabi ko.

"Excuse mo lang yan para hindi mo ako masamahan eh!" galit nyang sagot.

"Kasi mahirap yung study namin ni Rae," sabi ko.

"Yung samin din naman ah," galit nya nanaman.

"Oo nga pero hindi namin ito matatapos sa oras kung magkahiwalay kami lagi," sagot ko.

"Kainis kana!" sabay takbo palayo.

"Hindi ko din naman ginusto," sigaw ko habang hinahabol sya.

"Pero bakit ba kelangan yun?" ngayon bumabagal na sya sa pagtakbo.

"Kasi hindi ako makapagfocus ng ayos kapag kasama kita," sagot ko.

"Bahala ka kung yan ang gusto mo!" tapos tumakbo ulit sya.

Hindi ko na sya hinabol. Ang kulit nyang kausap kasi. Hindi naman ganoon katagal ang paggawa ng FS. Hindi naman big deal ang sinabi ko pero bakit nya pinapalala? Akala nya palagi nagsasawa na ako kaya gumagawa ako ng excuse para malayo sa kanya. Para naman ito sa future ko at future nya kung magkatuluyan kami sa future.

Nababadtrip talaga ako ngayon. Hindi nya manlang panikinggan ang paliwanag ko. Hindi ko na alam ang gagawin para lang maintindah nya ako.

Umuwi nalang ako sa bahay, kumain at humiga para matulog. Wala akong ganang gawin ang ibang bagay ngayon.

Hindi ako makatulog, iniisip ko kung paano ko maayos ang sama ng loob sakin ni Venus.

-------------------------------------------------------

Guys, VOTE po kayo para dito sa chapter...:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon