Chapter 35

17 0 0
                                    

Next week na nga pala ang finals, kailangan ko muna magfocus dito. Siguradong ganun din ang nasa isip ni Venus kung hindi kami laging magkasama ngayong linggo.

Para sa ngayon, priority ko muna ang pag aaral para makapasa sa final exams at mga subject ko. Sinimulan ko sa pagtambay sa kiosk kapag vacant ko para mag aral. Hindi ko muna ine entertain yung mga tropa ko na dumadaan at nakikipag kwentuhan. Ngayong linggo, puro aral lang ang iisipin ko.
Nakita kong dumaan si Venus na kasama sina Rae at Andrei. Tumigil siya sa paglalakad at naglakad papalapit sa akin.

"Tara sa mall, samahan mo akong bumili ng earphones," pagyaya nya.

"Next time nalang kita masasamahan, busy ako eh," pagtanggi ko.

"Ok."

Tapos umalis na sila, gusto ko sana syang samahan kaya lang may mas mahalaga pa akong kailangang gawin.
Naitindihan nya naman siguro, may hahabulin kasi akong grade kaya kailangan mag adjust.
Tsaka umalis sya agad kaya siguro naisip nya na hindi ako pwedeng magsayang ng oras.
Tapos na ako sa isang subject nang makita ko siya na nakasalpak ang earphones sa tenga nya at naglalakad kasama sina Rae at Andrei papunta sa next class namin.
Hinabol ko sila para sumabay na paglalakad.

"Sorry," ang nasabi ko kay Venus nung nakarating ang tingin nya sa akin.

Wala akong narinig na kahit ano. Ngumiti lang sya at alam kong ok lang.
Natapos ang klase at lumabas kami ni Venus para kumain din bumalik din kami agad para gumawa ng requirements, buti na lang at kaklase ko si Venus, makakasama ko syang gumawa nito.

Natapos ang buong maghapon na wala kaming nagagawa ni Venus ng maglasama pero diba at least magkasama parin kami.

Weekend bukas kaya kailangan ko talagang sumubsob sa pag aaral. Ewan ko ba pero hindi ako komportableng gawin to dahil siguro hindi ko naman to laging ginagawa pero kailangan eh, hindi pwedeng bumagsak ako kahit na isang subject.

Natapos ang buong weekend na wala akong ibang ginagawa kundi ang mag aral, hindi ko iniisip si Venus o kahit na itext manlang siya.

Namimiss ko tuloy ang aking baby, matawagan nga.
Nagriring yung phone pero hindi naman sya sumasagot, siguro busy lang katulad ko. Sayang, gusto ko pa naman sanang mangumusta.

Pero ok lang yun, magkikita naman kami bukas. Examination day na bukas, last night na ngayon na ako ay magpupuyat sa pag aaral. Bukas ay makakasama na ako kapag nagyaya si Venus kahit saan pa, kahit magpalibre pa sya sa akin.

So ayun nga, nagkita kami kinabukasan ng bago mag exam. Syempre, kinausap ko muna ang aking inspirasyon at kinamusta sa mga nangyari nung hindi ako makasama sa kanya.

Maya maya lang ay dumating na yung prof namin at nagbigay ng exam. Buong araw kaming nakaharap sa mag test paper sa ibat ibang subjects. Patuloy naman ang hiling ko na pumasa kasi nag aral naman ako kaya siguro naman ay papasa. Natapos ang buong araw at nagpasalamat nalang ako na nakasurvive sa mga mahihirap na exam ko.

Kasabay ko ngayong si Venus na naglalakad papunta sa chapel. Magdadasal lang kami at magpapasalamat na nakaya naming pagdaanan ang exams day. Naglalakad lang kami, tahimik lang ako at nakahawak sa kamay niya.
Nakarating kami sa chapel at nagdasal. Siguro 15 minutes din kami sa loob bago tuluyang lumabas.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko.

"Tara sa mall," sagot nya.

"Tara."

Kaya pumunta kami sa mall pagkatapos namin sa chapel. Dumiretso agad kami sa may food court para mag merienda.
Sunod naming pinutahan yung videoke room sa baba kasi gusto nya daw kumanta.
Wala namang problema yun sakin, gusto ko nga din kumanta kahit isa lang. Kaya naka tig isa kami ng kanta sa loob bago lumabas at lumipat ng ibang store. Huli namin pinuntahan ang world of fun para maglaro.
Sobrang saya ko ngayon, lalo na at kasama ko si Venus na aking forever.

-----------------------------------------------

Sorry kung natagalan ang aking pagbabalik, busy lang sa studies. (Edi Wow!)
Dont forget to give Votes, it always motivates me to think of the next happenings...

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon