Chapter 18

26 1 0
                                    

Sobrang awkward ng nararamdaman ko ngayon. Tahimik lang kami, walang nagsasalita o kumikibo. Nakatingin sya sa mga mata ko. Biglang nawala yung pagka-blanko ng isip ko nung ngumiti sya.

"Ano?" tanong nya.

"Sabi ko I Love You, Mahal kita. Pakinig mo ba?" sagot ko sa kanya.

"Pakinig ko naman kaya lang na-shock ako sa sinabi mo sakin," sabi nya pa.

"Pwede ba kitang ligawan?" diretso kong tanong.

Ngumiti lang sya tapos nagpatuloy sa kanyang pagkain. Uminom, tumingin sakin at nagsalita ulit. "Pag-iisipan ko."

Tapos nagpatuloy na ako sa pagkain. Parang nabitin naman ako dun sa sagot nya. Pero kasabay nun ang parang pagkabunot ng tinik sa dibdib ko. Sa wakas ay nasabi ko na din sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin. At least ay na-accomplish ko din ang dapat na gawin.

Isipin ko naman ngayon ang sagot sa akin ni Venus. Sana nga lang maisip na nyang sumagot bukas. Gusto ko na syang ligawan para maipakita at maipadama ko na totoong mahal ko sya.

Kinabukasan, nakita ko si Venus na kumakain ng almusal sa canteen. Umorder ako ng kanin at ulam tapos umupo sa tapat nya.

"Bakit hindi mo ako tinawag para nasamahan kita?" bungad ko nung nakita nya ako.

"Hindi ko pa nga alam ang isasagot ko sayo," sagot nya.

"Ok lang, take your time sa pag-iisip," tapos bumalik na kami sa pagkain.

Ang tagal naman ni Venus mag-isip, sana nga lang sa katapusan ng kanyang pag-iisip, pumayag sya. Sisiguraduhin kong hindi sya magsisisi sa kanyang desisyon.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso na agad kami sa classroom. Hindi na muna kami dumaan sa batibot, nakakatamad.

Dun kami dumaan sa hagdan na medyo malayo sa classroom, pampalipas oras, wala din naman kaming gagawin.

Pagdating namin sa room, pumunta agad kami dun sa magkatabing upuan dahil nga magkasunod ang apelyido namin. Pagkaupo, kinausap nya agad ako.

"Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo sakin kagabi?"

"Oo naman, may desisyon ka na ba?" tugon ko.

"Wala, nag-iisip pa ako," sagot nya.

"Ok, just take your time, im not in a hurry."

Tapos dumating na yung prof namin. Nagkaklase na sya pero ang nasa isip ko, nagtatanong. Ano kaya ang isasagot nya? Bakit ang tagal? Sinasadya nya bang tagalan para mainip ako?

Hindi ako maiinip, para kay Venus magiging matyaga ako. Hihintayin ko ang panahon na pwede nya akong mahalin ng katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Pumunta ako sa guardhouse para uminom. Nauhaw ata ako dahil sa sobrang pag-iisip. Hindi ko nga naintindihan yung mga sinabi ng prof ko kasi I was mentally absent.

Sinamahan ako ni Venus papunta dun sa guardhouse dahil nagpasama ako.

First time ko ito magpasama sa kanya. Yung dati kasi, sya yung nagpapasama sakin o kusa syang sumasama.

Pagkatapos kong uminom, sya naman ang nagpasama. Sa canteen, gutom nanaman kasi. Kahit medyo nakakapagod na samahan sya kung saan-saan, enjoy din naman ako kasama sya. Part na din to ng panliligaw ko sa kanya. Teka, nanliligaw na ba ako? Hindi pa naman sya sumasagot. Pero kahit na, gagawin ko parin to para tulungan syang mag-isip. Malay nyo, mag-oo sya.

Kung bibigyan nya lang talaga ako ng chance, gagawin ko ang lahat para lang sumaya sya. Sana nga lang, maganda yung isasagot nya sakin.

Pumasok ako ng maaga. Gusto ko kasing mauna kay Venus. Kahit late sya pag minsan, mas late parin naman ako kaya nauuna parin sya sakin. Pero mula ngayon ay hindi na mangyayari yon. Uunahan ko sya laging pumasok para batiin sya at bigyan ng rose na inaalagaan ko sa bahay. Gusto kong makita nyang seryoso ako.

Dumating sya ng hindi naman late pero at least nauna ako sa kanya ng 30 minutes. Binigyan ko sya ng rose sabay ngiti at sabi ng "Good morning Venus."

"Thanks," kinuha nya yung rose at ngumiti din.

Ang lakas talaga ng tama ko pagdating sa ngiti ni Venus. Nakakagigil, nakakatunaw, nakakanerbyos! Para akong hihikain sa kinatatayuan ko kahit wala akong hika.

Umupo sya sa tabi ko at nagsalita, "payag na ako."

"Talaga!?" excited kong tanong.

"Ahm, manliligaw ka palang. Wag kang OA," sagot nya sabay tawa.

"Alam ko, excited lang akong ligawan ka," natatawang sagot ko.

"At bakit ka naman excited?" tanong nya.

"Kasi mahal kita," sagot ko ulit.

Ngumiti lang sya habang nakatingin sa akin. Nilapit nya ang mukha nya, sayang nga lang at di ko nahalikan. Ngumiti sya sabay sabi ng, "Talaga?"

Bakit parang ang wierd ni Venus ngayong araw na to?

--------------------------------------------------------

Pasensya na guys, final period kasi eh. Medyo busy ako ngayon.

Dont forget to VOTE hah...:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon