Chapter 9

38 3 0
                                    

Lumipas ang halos isang buwan at mamayang hapon na agad ang alis namin papunta sa pier para sa field trip. Nagkaroon ng meeting para sa mga kasali. Doon sa amin sinabi ang plano nila tulad ng kung anong oras ang alis at mga gamit na dadalhin. Planado na talaga ang lahat para sa pag-alis namin mamayang gabi.

Tinext ko naman si Lance, "pare anong plano nyo?"

"Sa jollibee tayo sa stop-over magbebreakfast, tapos sa mall ang lunch," sagot nya.

"Sige, basta sabay tayo mamaya sa barko."

"Oo, may kasama pa nga pala kaming isa," reply nya.

"Sino?" tanong ko.

"Si Venus pare," nagulat ako sa sagot nya.

Kasama pala namin mamaya si Venus. Nararamdaman kong awkard ang pakiramdam ko mamaya at bukas.

At dumating na nga ang oras ng alis namin. Nasa pier na kaming lahat at nagche-check na lang ng attendance at aalis na kami. Sumakay kami sa barko ng hatinggabi kaya naman antok na antok kaming lahat. Nakatulog ako sa isang upuan. Malapit na kami nung nagising ako. Pagdating sa pier ay bumaba na agad kami at sumakay sa bus. Halos isang oras din kami sa bus bago tumigil. Ibig sabihin dito kami magbe-breakfast. Pumasok kami sa jollibee at umorder ng brekfast. Habang kumakain, hindi ko mapigilan na hindi matuwa. Nasa table kami na pang-apat katabi ni Lance si Danica at katabi ko naman si Venus. Ngayon ko lang sya ulit nakasabay na kumain pagkatapos ng ilang buwan na hindi kami nagpapansinan.

Pagkatapos kumain ay pumunta naman kami sa sunod. Pinuntahan namin ang isang school kung saan naglecture samin sandali, tapos dumiretso na kami sa mall.

Simula nung makita ko ulit si Venus kanina, bigla kong naalala yung mga masasayang bagay na ginawa namin ng magkasama noon. Nakalimutan ko na hindi nya ako pinansin na ikinalungkot ko. Naglunch kami sa foodcourt sa mall tapos naghanda na para sa convention. Ilang oras din na tumagal yung convention at katabi ko sa upuan si Venus.

Nung natapos, namasyal na kami sa mall. Nakita ko si Venus na naglalakad kaya sinabayan ko sya.

"Bestfriend, anong bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ililibre mo ako bestfriend?" sumagot sya ng tanong din.

"Oo naman, saan mo ba gustong pumunta?"

"Sa blue magic tayo, may bibilhin ako eh," kinuha ko yung bag nyang dala galing dun sa convention at nagsimula na kaming maglakad.

Bumili sya ng kung anu-ano sa mga inisa-isa naming mga tindahan. Tapos nagutom na kami parehas. Pumunta kami sa Mcdo para kumain. Tapos sa bookstore para bumili ng libro. Buong gabing yon ako sunod lang ng sunod sa kanya. Para na nga akong alalay pero ok lang masaya naman ako.

Tapos nagkita-kita na kami kasi mamaya na ang alis namin pauwi. Habang naghihintay, dala ko parin yung bag nya. Hindi ko talaga ito binitawan para hindi sya humiwalay sakin. Nagkahiwalay kami sa bus pero magkakasama naman ulit pagbaba. Muntik pa nga kaming maiwan kasi ang bagal namin maglakad. Buti na lang at may natira pang ticket para makahabol kami. Nagkahiwalay na kami nung pagbaba sa barko at uuwi na sa bahay. Ang saya ng fieldtrip na yun, lalo na at kasama si Venus. Siguro naman ngayon, ok na ulit kami. Kasi ok na kami nung nasa fieldtrip kaya sana ok na talaga.

Ilang araw din kaming magkakasalubong at namamansin naman sya. Pero nawala na ulit pagkalipas ng isang linggo. Anung nangyare? Bakit hindi nanaman sya namamansin? Ang gulo nya talaga kahit kelan!

Kumakain kami ni Mark sa canteen nang may babaeng lumapit at umupo sa tabi ni Mark. Nagulat ako nung tiningnan ko kung sino, si Venus.

"Anong ginagawa mo Mark?" tanong nya kay Mark at hindi manlang makatingin sa akin.

"Malamang ay kumakain," sagot ni Mark na may pagtataray.

"Ah ganun, pasabay ako,"

"Di bumili ka tapos dito ka umupo," sabi ni Mark na may kasama parin na pagtataray.

Tapos bumili si Venus ng pagkain. Habang wala si Venus, tinanong ko si Mark.

"Bakit ang taray mo ata ngayon kay Venus?"

"Wala lang," sagot nya tapos dumating na si Venus na may dalang pagkain na binili nya.

Initay lang namin na matapos si Venus sa pagkain tapos umalis na kami.

Hindi namin kasama si Venus kasi alam ni Mark yung nangyari dati, lahat actually. Dumiretso kami sa batibot para tumambay. Hindi ko kinakausap si Mark ng tungkol kay Venus kasi naiinis lang ako. Naiinis ako kay Venus kasi ganun na lang para sa kanya na kalimutang bestfriend nya ako. Ang bilis nya namang makalimot at hindi nalang ako pansinin. Pero kahit ganun, hindi ko kayang magalit sa kanya. Mahal ko parin sya at may pinagsamahan kami kahit ganun kaya hindi ako yung tipong nagtatanim ng galit sa ibang tao.

Niyaya ko na lang si Mark papunta sa sunod naming klase para makapaglakad na kami habang pinag-uusapan ang paborito naming anime. Anime kasi ang pinaka paboritong bagay ko dito sa universe, lalo na ang Kuroko no Basket.

Nang makarating kami sa room, umupo na kami since magkatabi lang naman ang upuan namin. Dumating na din yung prof namin. Habang nagsasalita si sir, hindi ko maiwasang isipin kung bakit nangungulit si Venus kay Mark kanina at deadma lang si Mark kay Venus. Hmmm, I smell something fishy.

Kaya naman tinanong ko sya pagkatapos ng klase, "tol, bakit ka kinukulit ni Venus kanina?"

"Ewan ko dun," tipid nyang sagot.

"Ang labo mo naman pre," komento ko sa sagot nya.

"Sige na nga, sasabihin ko na. Bago kong bestfriend."

---------------------------------------------------------

I very much appreciate VOTE guys....

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon