Chapter 33

8 0 0
                                    

Bumaba ako sa barko bitbit ang dalawa kong bag. Pilit akong tinutulungan nung kargador at panay naman ang iwas ko. Kaya ko naman itong dalhin magisa pero kinukulit ako nito. Siniko ko sa sobrang inis, buti hindi nakapalag dahil nakita sya ng guard at pinaalis.

Salamat sa guard na eksakto sa timing ang pagdating. Sumakay ako sa tricycle papunta sa bayan. Gustong gusto ko nang puntahan si Venus. Excited na akong mayakap at mahalikan sya.

Ako si Jettro, boyfriend ni Venus. 3 years na kami at masaya sa status namin. Nagkahiwalay kami ng isang taon dahil kinailangan kong mag aral sa Maynila. Pero ngayon lagi na kaming magkakasama dahil dito na ako papasok para kasama ko na sya palagi.

Dumiretso ako sa bahay namin para magpahinga ng konti, at mamaya ay pupuntahan ko na sya.

Lumipas ang ilang oras at handa na akong humarap kay Venus.

Naglakad lang ako papunta sa dorm na tinuro nung high school classmate namin. May dala akong bulaklak at pasalubong sa kanya.

Napatigil ako sa paglalakad nung nakita ko si Venus. Naglalakad at may kasabay na lalaki. Tumigil sila sa tapat ng bahay at hinalikan nung lalaki sa noo si Venus.

Biglang uminit ang dugo ko at sinugod ko yung lalaki. Ibinuhos ko sa isang suntok ang init ng dugo ko at ang aking buong lakas.

Natumba sya at dumugo ang kanyang labi. Nakita ko naman na natigilan si Venus at nabigla sa kanyang nakita.

"Bakit mo ginawa yon!?" sigaw niya.

Natulala ako nung nakita ang galut sa mukha nya. Bigla naman akong natumba sa lakas ng ganti nung lalaki sa akin.

Lalo akong natulala nung nakitang umiiyak si Venus. Niyakap sya nung lalaki at uminit muli ang dugo ko. Gusto ko syang bugbugin pero hindi na kaya ng katawan ko.

Sumigaw sya, "Sino ka ba?"

"Ako si Jettro, boyfriend ni Venus," sagot ko.

"Sino ka ba?" dagdag ko.

"Boyfriend ni Venus," sagot nya sa akin.

"Matagal na kitang kinalimutan," sabi ni Venus.

"Pero hindi kita kinalimutan," sagot ko.

"Wala na tayo mula pa nung umalis ka kaya hindi ka na dapat bumalik," sabi nya habang umiiyak.

Dahan dahan akong tumayo, inayos ko ang aking damit at pinunasan ang dugo sa aking labi.

"Sorry kung iniwan kita. Hindi ko ginustong umalis dahil pinilit lang ako ng mga magulang kong mag aral sa malayo at hindi na nila pinayagan ang kahit anong koneksyon ko sayo kaya hindi ako nagpaparamdam. Ipinaglaban kita kaya heto ako ngayon sa harap mo," paliwanag ko.

"Pero matagal na kitang kinalimutan," tapos umalis na sila palayo.

Naiwan akong mag isa na nakatayo sa damuhan. Hindi ako kumikibo ng ilang segundo at bigla nalang tumulo ang luha sa aking mata.

Hindi ako papayag na mawala nalang basta ang aking pinaghirapan. Hindi ko sya binalikan para lang umuwi ng luhaan.

--------------------------------------

Ano kaya ang susunod na gagawin ni Jettro para kay Venus? Uuwi nanaman ba syang luhaan at putok ang nguso?

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon