Chapter 17

27 3 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon,  narealise ko sa aking sarili na hindi ko na kaya pang itago ang pagmamahal ko kay Venus. Kaya naman ngayong araw, balak ko nang gumawa ng move para malaman nya.

Pumasok ako sa school sa karaniwang oras pero yung mood at iniisip ko ngayon ay hindi pang-karaniwan.

Nakita ko si Venus na palabas ng classroon ng katatapos lang na klase.

"Hi Venus," bati ko.

"Hey, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala," sagot ko.

"Samahan mo naman ako,," sabi nya.

"Saan?" tanong ko.

"Kakain," sagot nya.

Kaya pumunta kami sa canteen para kumain. Habang kumakain kami, nakamasid ako sa paligid. Gaya ng dati, marami paring mata ang nakatingin sa amin. Ngayon naman, natutuwa na ako dahil nga sa dami ng nakatingin samin.

Tumambay muna kami sa batibot bago pumunta sa sunod naming klase. Kapag hindi ko kasama si Venus, hindi ako pumupunta dito sa batibot kahit kasama ko yung mga tropa ko. Ewan ko ba pero hindi ako nakakarating basta sa isang lugar kung hindi ko sya kasama. Kung baga ay kulang na kulang ako kung wala sya. I would be an incomplete man when she is not by my side. Kaya sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Venus.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano kaya ang iisipin ni Venus kapag nalaman myang mahal ko sya. Natatakot tuloy ako at nacu-curious sa kahihinatnan ng paglilihim ko sa kanya.

Tapos na yung last period pero hindi pa ako umuuwi at nandun lang ako sa room na walang laman. Nakatulala, nag-iisip, nagmumuni-muni at nagpapalipas ng oras mag-isa. Ganito talaga ako kapag mag-isa, mukhang may sapi. Kung malakas lang talaga ang loob ko, sinabi ko na kay Venus ang nararamdaman ko kahit ano pa ang sitwasyon. Pero kung mahal ko talaga sya, kaya kong harapin ang kahit anong consequence man of magandang bagay sakin pagkatapos.

Naisip ko tuloy, ang love ay parang basketball. Kung mahina ang loob mo, wala ka tirang maipapasok sa ring. Kung malakas naman ang loob mo, kaya mong sumabay sa mga hadlang para manalo.

Pipilitin kong maging malakas para manalo ako. Hindi ko iisipin ang pwede nyang reaksyon kapag nalaman nya.

Pumasok ako sa klase ng maaga para mauna kay Venus. Dumating sya at tumabi sakin.

"Venus may sasabihin ako sa'yo mamaya," ang nasabi ko bago nagsimula yung klase.

"Sabihin mo na ngayon," sagot nya.

"Mamaya na lang."

Kinabahan tuloy ako bigla. Paano ko ba sasabihin kay Venus na mahal ko sya. Gusto ko yung special na moment. Yung makakapa-usap kami ng walang abala.

Natapos na yung 1st period pero wala pa akong naiisip. Pumunta kami sa canteen kasi nagugutom dae sya.

Habang naglalakad, naisip kong gawin yun kapag niyaya ko syang kumain mamaya. Sabay kaming kumakain, magkatapat sa isang table.

"Tara mamaya sa jollibee," sabi ko.

"Sige tara," pagpayag nya.

Buti na lang at hindi mahirap kausapin si Venus, isang sabi ko lang at payag na agad sya. Paano kaya kung sabihin kong kami na lang, pumayag kaya sya?

Tinapos muna namin yung pagkain at umalis na ulit papunta sa sunod naming klase. Habang naglalakad, fina-finalize ko na sa utak ko yung plano. Mamayang gabi yayayain ko sya sa Jollibee at dun ko sya tatapatin. Sana lang maganda yung isasagot nya sakin.

Hindi na tuloy ako makapaghintay mamaya. Magkahalong kaba at excitement yung nararamdaman ko. Excitement dahil masasabi ko na sa kanya ang matagal ko nang itinatago. Kaba dahil hindi ako sigurado sa pwede nyang isagot sakin.

6 pm at uwian na, niyaya ko si Venus na pumunta sa Jollibee. Habang naglalakad kami, kinakabahan na ako. Hindi tuloy ako nakakausap ng ayos dahil nga pinagpapawisan na ako sa kaba.

"Ok ka kang ba?" tanong nya.

"Oo, iniisip ko lang oorderin natin," palusot ko.

Pumasok na kami sa loob. Umorder ako, at sya naman ay umakyat na para maghanap ng table. Bumili ako ng dalawang spaghetti saka coke. Bumili din ako ng burger kung sakaling mabitin pa kami.

Habang papalapit ako sa kanya, kibmnakabahan na ako. Lalo na at nakatitig sya sakin at nakangiti pa.

Pero ayaw kong magpahalata na kinakabahan ako, gusto kong maging maayos yung pag-uusap namin.

Habang kumakain, bigla nalqng akong nagsalita.

"Venus may sasabihin ako sayo," sabi ko.

"Ano yun?" tanong nya.

"Matagal ko nang gusto sabihin sayo na, I LOVE YOU!" sa wakas, nasabi ko din.

Bigla syang natigilan, tahimik lang kaming dalawa. Walang nagsasalita, nakatingin  sya sa mata ko.

1...

2...

3...

NGUMITI SYA...

---------------------------------------------------------

Guys, VOTES and COMMENTS please...:-)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon