Chapter 25

205K 3K 452
                                    

Chapter 25

(THIRD PERSON)

“Head Mistress..” Napatingin kaming lahat kay Sebastian.

“What is it?” Tanong ni Sophia..

“There is someone who want---” Naputol ang sinasabi ni Sebastian ng may biglang nagtitiliang mga babaeng estudyante.

“KYAHHH!!! ” Napatingin agad sila sa malaking pintuan.

 “Anong meron?” Tanong ni Daniel.Napakibit-balikat na lang sila dahil pare-pareho silang walang alam.

“Sebastian?” Bumalik ang tingin ni Sebastian kay Sophia. At itinuloy ang sasabihin nito.

“As I was saying there is someone who wants to see you..” Tapos biglang bumukas yung pinto.

“Sophia, babe!” Sigaw ng isang lalaki. Matangakad, maputi, may pagkasingkit ang mga mata, kulay brown ang buhok at higit sa lahat hindi nila kilala.

“What are you doing here?!” Nakakunot ang noo ni Sophia.Tapos lumapit ito at hinalikan ang pisngi niya.

 “Is that how you welcome a visitor, Head Mistress Sophia Montereal?” Tinaasan siya ng kilay ni Sophia..

“You're not a visitor cause you're not welcome here. Jacob Lee.

(JUSTINE)

 

Pigilan niyo ako! Tama bang halikan niya sa pisngi si Sophia! Tapos tinawag pa niyang babe si Sophia ano siya baboy?! Pero teka nga ang pangalan ng mokong na ito ay Jacob Lee? Parang narinig ko na yung pangalan na yun. Pero saan nga ba?

“The Head Master of Knight Academy.” Napatiningin ako kay Timothy. Nakatingin lang siya sa mokong na ‘yon habang kinukulit nito si Sophia.

“Di ba yun ang rival school ng Royal Academy?" Tanong ko at tumango si Timothy..

“The one and only...” Anong ginagawa niya dito? Pero ang tanong anong relasyon niya kay Sophia?

Tinignan ko ulit yung Jacob, nagulat ako nang makita kong nakatingin siya sa akin.. Yung tingin niya para bang gusto akong lapain. Napansin ata ni Sophia yung tingin ni Jacob sa akin..

“Follow me Jacob...” Sabi niya. Pero hindi maalis sa akin ang tingin ni Jacob.

”Jacob Lee.” Madiing tawag ni Sophia. Agad namang napalingon si Jacob sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Pero sa mga tingin na iyon para silang nag-uusap.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon