Chapter 13

200K 3.1K 188
                                    

Chapter 13

 (SOPHIA)

We are on our way papunta sa bahay ni Alexa. But the rest of the ride, tahimik lang si Justine. Daldal ako ng daldal pero hindi naman siya nakikinig sa akin. Ayaw kaya niyang pumunta? Pero dapat sinabi niya sa akin para hindi na lang kami tumuloy. And then natanaw ko na ang malaking bahay na pagmamay-ari ni Alexa. As what to be expected, malaki ito.

Mula sa labas rinig na rinig ko na ang tugtog at kitang-kita din na ang daming tao. I think she invinted everyone from school. Pinagbuksan ako ng pinto ni Justine, kahit na malalim ang iniisip niya gentleman pa din siya. That’s also one thing i like from him. Hinawakan niya ang kamay ko. Ako ang kasama niya pero ang layo naman ang iniisip niya.

“Justine, may problema ba?”  Tanong ko sa kanya habang papasok kami sa loob. Tumingin ito sa akin at umiling.

“W-wala naman.." I know he’s lying. Magtatanong pa sana ako kaso bigla ng dumating si Alexa.

“Sophia! Justine!” Lumapit ito sa amin. Nakasuot siya ng red halter top dress. She really looked beautiful. Kaya lang dapat magsuot siya ng medyo conservative na damit, mas bagay sa kanya ‘yon.

“Hi Alexa..” Nakangiting bati ko. Ngumiti din siya.

 

“Buti naman nakarating kayo.. Kanina ko pa kayo hinihintay para masimulan na yung party..” Hindi ko alam pero parang may iba siyang ibig sabihin sa sinabi niya. Hay, kung anu-ano na naman ang naiisip ko.

“Syempre naman. Nangako ako di ba? And I always keep my promises.”  Tapos bigla na lang niya ako niyakap. Nagulat ako pero niyakap ko na din siya.

“Thank you, for giving me second chance..” Humiwalay na siya sa akin.

“Wala ‘yon. I always believe that everyone deserves a second chance. ” Ngumiti siya ulit. Sa totoo lang maganda si Alexa, lalo kapag ngumi-ngiti siya. I hope she will always smile. Nabaling ang tingin niya kay Justine.

“Long time no see..” Sabi ni Justine kay Alexa. Kaya nagulat ako sa ginawa ni Alexa, hinalikan niya si Justine malapit sa lips. Nagulat din si Justine sa ginawa ni Alexa. That moment parang hindi ako makahinga. I feel my chest tighten.

“Sophia, ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Justine. Bigla naman akong natauhan.

“Ayos lang ako..” Sagot ko.

’Relax, Sophia. It’s just a friendly gesture. Justine loes you and Alexa is your friend.’ I keep chanting it in my mind.

 

“Paano maiwan ko muna kayo.. May aasikasuhin lang ako..” Tapos ngumiti siya.. Pero may mali sa ngiti niya.. That smile is her famous smile kapag may hindi siya maganda gagawin. But it’s not good to doubt a person. Yet i can’t help it.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon