Chapter 30

180K 2.7K 320
                                    

Chapter 30

 (LIA)

Walang umiimik sa amin. Nagtitinginan lang kami. Nakaupo kami dito sa sobrang habang lamesa sa dining area. Obviously, we were waiting for Sophia to arrive.

Maya-maya lang humilera na yung mga tauhan malapit sa pintuan at nag-bow. Sabay-sabay kami napalingon ng bumukas ang malaking pinto.

“Good morning, Young Mistress..”

 

“Good morning, Young Master..”

Sabay-sabay sabi ng mga maids at butlers. Dire-diretso lang naglakad si Sophia pero si Jacob bumati pabalik sa kanila..

“Bonjour, Directrice..” [Good morning, headmistress] Sabi ni Amber tapos nag-bow siya.Umupo si Sophia sa pinakagitna ng mahabang dinning table, tumabi si Jacob.

         - Jacob-   -Amber-   -Daniel-   -Lia-

-Sophia-                                                    -Acel-

         -Justine-   -Julia-    -Tim-       -Alexa-

Pagkaupong-pagkaupo ni Sophia agad ding naglabasan ang iba pang maids and butlers dala-dala ang mga pagkain. Wala pa ring umiimik sa amin. At nagsimula na kaming kumain..

 “Daniel, try this..” Tapos sinubuan ni Amber si Daniel. Nakatingin sa akin sila Julia.

Ngumiti lang ako. I’m not going to show na naapektuhan ako. Wala sa dictionary ko ang mawala sa poise.

 “Daniel, may dumi ka.. Wait punasan natin..” Pero minsan hindi rin masama ang mawala sa poise lalo na kapag may mga linta sa paligid na pilit dumidikit. Tumayo ako..

“Asseyez-vous, Lia..” (Sit down, Lia) Utos ni Sophia.Tumingin ako kay Sophia.. Wala siyang emosyon, tumingin ako kay Julia.. Tumango lang ito.Kaya umupo ulit ako.

I can’t take it. Sophia knows that Daniel is mine. Pero bakit hinahayaan lang niya ang ginagawa ni Amber? Ah! Nakalimutan ko, kakampi niya si Amber and their goal is to make us suffer. Pero bakit?

“What do you plan for your birthday, Head Mistress?” Tanong ni Julia. Huminto sa pagkain si Sophia. Ganun din kami. Napatingin kami sa kanya at hinihintay ang magiging sagot niya.

“I don't have birthday..” Tapos tumayo na ito at lumabas ng dinning area.

 “For your information. Sophia, doesn't celebrate her birthday for almost 4 years.. And you know the reason why.  Hindi niyo na dapat pinapakielaman ang malalim na sugat lalo na’t hindi pa gumagaling.” Galit na sabi ni Jacob tapos tumayo na din at sinundan si Sophia.

 (JUSTINE)

Bakit ba lagi na lang niyang kasama yang Jacob na yan? Hindi ba niya alam na nagseselos ako? Syempre hindi!

Alam ko naman ang iniisip niyo. Wala ng kwenta ang love story namin ni Sophia. Pero para sa akin hanggang may buhay may pag-asa. Kaya nga nagpaplano akong mag-prepare ng party para sa birthday niya. Sakto New Year yung araw ng birthday niya. I will make it special.

“Ahmmm.. Julia, pwede ba akong humingi ng favor sayo?” Tumango siya.

“Ano ba yun?” Tanong niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita..

“Tulungan mo naman ako para mag-prepare ng party para kay Sophia..” Kumunot ang noo niya.

“Are you sure about that?” Tumango ako. Umiling si Julia.

“Naalala mo naman ang sinabi ni Jacob kanina, masyado pang sariwa ang pagkamatay ng Head Master. And celebrating her birthday isn’t a good thing. Kambal sila Justine, ang pagkawala ng isa ay may malaking epekto iyon sa isa. Kita mo naman di ba?” Sabi niya. Alam ko yun pero..

“It’s time for her to face the truth na wala na talaga ang Head Master and she have to move on. We have to help her.”  Natahimik lang si Julia. At alam ko nag-iisip siya.

”You have a point, Justine. And sige, I’ll help.” Ngumiti ako sa naging sagot niya. Alam ko naman na maunawain si Julia. She knows the right thing to do.

“Kami din, tutulong.” Nilingon ko sila Lia. Nakikinig pala sila sa usapan namin ni Julia.

Hindi namin  nakasama si Sophia noong Christmas eve, kaya dapat special talaga itong gagawin namin. I just hope she will like it.

We were busy in our own worlds, kaya hindi namin napansin ang pagdating ng isang tao.

 “I'll also help..” That voice. Napatingin kami sa pinanggalinga ng boses..

“Long time no see..” Nakangiti siya. It’s been so long and now she's back.

 “Young Mistress Clarissa.”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon