Chapter 35

165K 2.5K 275
                                    

Chapter 35

 

(LIA)

 

“Are you ready, Lia?” Tanong ni Julia.

Today is the day of the first battle. Sa totoo lang hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kinakabahan kasi ako na ewan. Maayos naman ang lahat, naka-ready na ang mga damit para sa fashion show mamaya, even the models were ready to ramp. But the question is ‘Am I ready? To betray them?’

 

But I can’t back out now. I already made a deal with Sophia. A deal that will put them to their downfall.

“Lia..” Umangat ang tingin ko kay Julia. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

”Are you ok? Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?” Alalang tanong niya. Ngumiti ako at umiling.

”Kung wala, bakit ka umiiyak?” Umiiyak? Ako? Hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga ito.

”Wala ito. It’s just that..” Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanila.

”You can tell me, anything Lia.” I know but I can’t.

“I’m sorry..” Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero natagpuan ko na lang sarili ko sa garden ni Sophia. At umiyak ng umiyak.

“Don’t waste your tears, Lia. Hindi sila matutulungan ng pag-iyak mo.” I looked at Sophia. Relax lang siyang nakaupo sa isang bench. At may hawak-hawak na mga rosas.

”How can you say that?”  Tanong ko.

 

“What?” Tanong niya.

“Kaibigan mo sila gaya ko at labag sa kalooban ko ang gawin ito. I’m betraying them!” Tumingin sa akin si Sophia with a curious look.

“Pero bakit ka pumayag sa kagustuhan ko? Pwede ka namang umayaw. You have a choice, Lia. But you chose to betray them not me.” How can she say that? Pero she has a point. I have a choice.  I always have.

“How can you be this numb?” Sumeryoso ang mukha niya.

“You can't make all people love you, but you can make them fear you, Lia. Always remember that.” Tumayo na siya mula sa pwesto niya.

“Tumayo ka na dyan. At sumunod ka sa kasunduan nating dalawa.”

 

(JULIA)

 

Ano kayang nangyari kay Lia? Para kasing ang bigat ng dalahin niya, parang pasan niya ang buong daigdig. Siguro dahil aky Daniel. Pansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, hindi sila nagpapansinan at saka laging nakadikit si Amber sa kanya.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon