Chapter 34

162K 2.3K 311
                                    

Chapter 34

(CLARISSA)

Lumipas ang ilang araw pero wala ni isa kaming balita tungkol kay Lia. Pinuntahan na namin siya sa mansyon niya pero ang sabi ng butler niya, out of town daw si Lia. Tinanong ko din si Daniel, pero hindi naman siya sumasagot..

“Daniel, nag-away na naman ba kayo ni Lia?” Tanong ko.Yumuko lang siya. Tinignan ko naman si Amber na todo-kapit sa kanya. Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari. Nung nakaraang araw si Lia ang kasama niya pero ngayon si Amber na. Ano bang nangyayari?

“Julia, alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta o kaya kung sino ang pwede niyang kasama?” Umiling si Julia. Pero parang may sasabihin siya.

”What is it?” Huminga siya ng malalim.

“Meron.. Pero.. Impossible ang taong yun..” Lumapit ako sa kanya. Imposible? Bakit naman?

 “Impossible? Sino naman yun?” Napabuntong hininga ulit si Julia.

“Noon pa man malapit na talaga si Lia sa kanya… kay Sophia. Kaya kung anuman ang pinagdadaanan ni Lia ngayon baka kay Sophia siya tumakbo.” Si Sophia, kailangan ko siyang makausap agad. Bumukas ang pintuan ng meeting room namin at iniluwa nito ang matagal na naming hinahanap. Si Lia..

“Thank God! Lia, nagpakita ka na din..” Sabi ni Tim. Tumingin si Lia kay Daniel at Amber. May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata. And that emotion is familiar to me. Sadness.Inayos niya ang sarili niya bago magsalita sa amin.

“Pasensya na kayo kung ilang araw akong hindi nagpakita sa inyo. May nangyari kasi na hindi ko inaasahan. Pero don’t worry, it’ll be fine. I will be fine. ” She smiled reassuring us. Pero i know something is wrong. I can feel it. And I just hope walang kinalaman si Sophia dito.

“Are you sure, Lia?” Alalang tanong ni Julia. Alam kong nararamdaman din niya na may mali.

”Of course I am! Mabuti pa, bumalik na tayo sa trabaho natin. Meron pa tayong 2 linggo para tapusin ang dapat tapusin.”Masiglang sagot ni Lia. Nagkatinginan kami at saka tumango.

”If that’s what you want then we should go now and continue.” Sabi ni Justine. Tumingin ulit si Lia kay Daniel at Amber.

“Amber, if you don’t mind we will now going to start and you have to leave. Is that fine with you?” Magalang na tanong ni Lia. Walang halong kaplastikan ang pagkakasabi ni Lia. Kaya lahat kami nakanganga lang.

“Of course. Hindi porke’t magkalaban tayo, dadayain na kita Lia. Pero alam ko namang alam mo na nakukuha ko ang gusto ko. And I want to win this battle against not only to you Royalties but also to you Lia.” Nakangiti pero seryosong sabi ni Amber. Tinignan namin ang magiging reaksyon ni Lia. Ngumiti din siya.

“It is an honor for me to know that, Amber. Let’s do our best.”

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon