Chapter 29

177K 2.1K 156
                                    

Chapter 29

 (JUSTINE)

 “Where are you Sophia?” Kanina ko pa kasi hinahanap si Sophia.Pagkatapos kasi nung opening kanina hindi ko na siya nakita. Bigla na namang siyang nawala parang bula.Kaya heto ako hinahanap siya. Hindi ko kasi kayang mawala siya sa paningin ko..

Naramdaman kong parang may nakasunod sa akin..

“Kapag sinuswerte ka nga naman..” Narinig kong may nagsalita. Tumingin ako sa likod pero wala, pag harap ko. May biglang nagtakip ng panyo sa akin...

'Sh*t! Chloroform'

Tapos nun hindi ko na alam ang nangyari.

(LIA)

Sakit ng ulo ko! Napadilat ako. Napatingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang kwarto na 'to. Kanina lang nasa Academy ako.. May mga men in black.. Tapos...

“OMG! I'm kidnapped!!!” Sigaw ko.

“Geez.. Lia wag ka ngang sumigaw!” Agad akong napatingin sa direksyon ng nagsalita, nakita ko si Julia at saka yung iba. Lahat sila nasa upuan at nakaharap sa pintuan.

“Thank goodness! Teka, nakidnapped ba tayo?” Tanong ko sa kanila. Inirapan ako ni Julia.

“Obviously. But we still can't figure it out, why..” Tapos nakarinig ako ng yabag ng paa..

“May paparating..” Nakatingin kami pare-pareho sa pinto. Bumukas ang pinto.

“It's nice to finally meet the Royalties...”

(THIRD PERSON)

Nakita nila ang isang magandang babae. Nakasuot ito ng kulay pink na dress at white high heels. May suot din itong headband at blonde ang kulay ng buhok nito. She looks like a barbie. Well, a human barbie.

“Tin-Tin...” Mahinang sambit ni Daniel pero hindi narinig ng iba.

Tumingin ito sa kanila isa-isa na para bang may kinikilala.. Nangg makita nito ang hinahanap biglang nagbago ang expression nito mula sa pagiging mukhang mataray bigla itong ngumiti.

 

 “Oh! Hello, brother!” Masiglang bati nito at kumaway-kaway pa.Kita naman sa iba ang pagtataka.

“Brother? Sino?” Tanong ni Lia. Tumakbo ito papalapit kay Acel at yumakap.Gulat na gulat silang lahat.

“M-may kapatid ka??” Gulat na tanong ni Justine.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon